GABAY SA WASTONG PAGGAMIT NG FACE SHIELD ILALABAS

faceshield

UPANG mapigilan ang paglawak ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19), maglalabas ng gabay para sa tamang pagsuot ng face shield ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Inatasan ng IATF-MEID ang Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Labor and Employment (DOLE), at iba pang ahensiya ng national government para maglabas ng iisang anunsiyo hinggil sa tamang pagsuot at gamit ng face shields kapag lumalabas ng bahay kasama na kung kailan at saan ito maaaring hubarin o hindi gamitin.

Umapela rin ang IATF sa local government units (LGUs) na mag-provide ng regulatory relief assistance sa kanilang nasasakupan katulad ng limitadong deferment of payment sa mga due para sa local government business fees, micro, small, and medium business establishments.

Paliwanag ng IATF-MIEID na ang mga nabanggit na establisimyento ay mga negosyong hindi pinayagang makapag-operate sa panahon ng pandemya kaya naman upang makabuwelo ay ang LGUs na ang kumilos upang mapalawig ang panahon ng kanilang pagbabayad dahil labis silang naapektuhan sa panahon ng mahigpit na kuwarantina.

“Abovementioned business establishments were those which were not permitted to operate or adversely affected by the restrictions imposed under the different community quarantine classifications,” ayon sa statement ng IATF-MEID.

EVELYN QUIROZ

Comments are closed.