HINDI na itinatago ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia ang kanyang relasyon sa Kapamilya actor na si Khalil Ramos.
Magkasama sila sa pelikulang LSS (Last Song Syndrome) na isa sa tatlong napiling finalists sa entries na nasa advanced stage of production ng Film Development Council of the Philippines para sa ika-3 edisyon ng Pista ng Pelikulang Filipino.
Ayon pa kay Gabbi, thankful siya sa GMA Artist Center dahil sa pagpayag ng management na gawin niya ang nasabing movie na idinidirehe ni Jade Castro (director ng award-winning indie films na “Endo” at “Zombadings:Patayin sa Shokot si Remington”.
“Actually, in my case, it’s a long process kasi ni-require ng GMA Artist Center na mag-meeting muna with the production team of the movie. GMA wanted to make sure that it’s a good project for me before they gave the go signal,” aniya.
Hirit pa niya, nag-enjoy raw siya ng gawin nila ni Khalil ang nasabing pelikula.
“Masaya siya. We’re really enjoying each other’s company,” paliwanag pa niya.
Idinenay naman niya na nagkaroon sila ng ilangan ng kapareha dahil sa estado nila bilang real life sweethearts.
“Actually, when we started the film, hindi pa kami noon,” pagbubunyag niya. Sey pa niya, nakatulong din ang pagiging real life sweethearts nila sa tunay na buhay para mailabas nila ang requirements ng kanilang role bilang lovers sa nasabing pelikula.
“Iyon din ang naging challenge sa amin ni Khalil,” ani Gabbi. “Pero, feeling naging mas naging authentic siya,” dugtong niya.
Kasama rin sa PPP entry sina Tuesday Vargas, Elijah Canlas at ang miyembro ng millennial band na Ben&Ben na first time rin na aarte sa pelikula.
WILLY ONG DOKTOR NG MASA
BAGO pa man naging social media sensation si Dr. Willy Ong, aktibo na siya sa pagkakawanggawa at pagbibigay ng serbisyo publiko.
Katunayan, siya ang takbuhan ng mga mahihirap sa kanilang mga hinaing pagdating sa mga usaping pangkalusugan.
Bagama’t hindi niya pinangarap na maging politiko, naisip niyang mas makakatulong siya sa mamamayang Pinoy kung may boses sa Senado ang isang taong nabibilang sa health sector.
Ito rin ang dahilan kung bakit siya nagdesisyong tumakbo bilang Senador sa darating na May national elections under Lakas-CMD.
“Masarap makatulong sa isa, dalawa, tatlo. Pero baka makatulong tayo sa isang libo, dalawang libo why not, di ba? Baka may gusto pa ang Diyos na ipagawa sa akin. Iyon talaga ang purpose ko,” aniya. “Ang daming pasyente kasi ang humihingi ng tulong sa akin, lalo na noong dumami ang followers ko. I have 10 million followers. Iyong mga nagda-dialysis, 40,000 sila, iyong kailangang operahang mga bata, 5,000 sila. Laging humihingi ng tulong kaya pinipilit akong tumakbo kaya sabi ko bigyan ko ng tsansa, hindi naman ako makatanggi sa kanila,” dugtong niya.
Gustong tutukan ni Dr. Willy ang pagsulong ng comprehensive universal health care system sa bansa.
Pagtatapat pa ni Dr. Ong, idol niya ang yumaong Senador na si Juan Flavier na maraming nagawa noong kanyang termino pero hindi nagpayaman sa posisyon.
“Idol talaga natin si Senator Juan Flavier. Kaya nga tayo, hindi tumatanggap ng campaign donations, wala tayong ginagastos . Kung sino lang ang nag-iimbita saka tayo pupunta. Ayaw nating magkautang sa negosyante para wala tayong babawiin sa ibang araw,” bida niya.
Kabalikat ni Dr. Willy Ong sa kanyang mga adbokasya ang Anakalusugan party list kasama ang nominees nitong sina dating Quezon City Congressman at HUDCC Secretary Mike Defensor, Ower Andal at Darlo Ginete.
Comments are closed.