GABBY CONCEPCION MAY BAGO NA NAMANG BABY

GABBY-JENNYLYN

THE long wait is over, may bago na namang romcom teleserye na gagawin si Gabby Concepcion aka wallfaceRome sa “Ika-6 Na Utos” fame. By this time ay si Jennylyn Mercado na ang bago niyang babe.

Tuwang-tuwa ang mga netizen sa bagong project na sisimulan nang gawin ni Gabby. Matagal-tagal na rin naman nagtapos ang huling teleserye niyang ginawa sa Siyete, maging ang naging kapalit nito ay nagtapos na rin sa ere, ang “Contessa” ni Glaiza de Castro.

Sa kanyang Instagram account ay hindi na tinago pa ni Gabby ang kanyang kasiyahan pagkatapos gawin ang story conference ng bagong show na sisimulan. Tulad ng mga netizen na nag-comment kay Gabby ay sinabi ng actor na excited na siyang simulan ang bago niyang project at first time na makakasama si Jennylyn.

Kung sa “Ika-6 na Utos” ay heavy drama ang tema ng teleserye sa gagawin nina Gabby at Jennylyn ay may temang kilig. Knowing Gabby, karamihan sa mga nagawa niyang romcom tulad na lang sa kanilang dalawa noon ni Carla Abellana na “Because of You” ay may hatid kilig sa mga manonood, kaya nga ba ngayon palang ay marami na ang humuhulang super kilig ang tambalan ng dalawa dahilan sa pareho silang kikay. May storyline na pero wala pang final title ang project na gagawin nina Gabby at Jennylyn, maging ang kung sino-sino ang kanilang makakasama ay nasa casting stage pa lamang.

MAUREEN WROBLEWITZ NG EAT BULAGA SANAY NA SA BANAT

MAUREEN WROBLEWITZKUNG pagbabasehan ang mga komento ng netizens sa pagiging bagong dabarkads ng “Eat Bulaga” na first ever Pinay na nanalo sa ‘Asia’s Next Top Model na si Maureen Wroblewitz ay winner na masasabi siya. Eh, kasi nga naman halos karamihan sa mga komento kay Maureen ay mga nega ang dating kahit sabihin pa na may mga positibo rin namang iba.

Ayon naman kay Maureen, aminado siyang nasasaktan sa tuwing makakabasa siya ng negatibong komento pero inihanda naman daw niya ang sarili sa pagpasok sa number one noontime show na “Eat Bulaga”.

Ani pa rin ni Maureen, hindi naman niya kayang i-please lahat ng kanyang mga manonood. Say pa ng magandang modelo, sa pagpasok pa nga lang niya bilang contestant sa ANTM ay katakot-takot na lait na ang inabot niya, hindi lang mula sa mga Pinoy kundi sa mga international netizen pa rin. Bukod pa madalas siyang makarinig ng hindi magaganda mula sa kanyang fellow contestant sa natu­rang patimpalak.

Say ni Maureen, andun daw na halos nagtataka ang mga batikang kontesera ng  modelling world kung bakit hindi pa raw siya natatanggal sa contest gayun wala naman daw itong karanasan sa pagmo-mo­delo. Naging inspirasyon pa nga raw ito ni Maureen para pagbutihan ang kanyang ginagawa dahilan sa never pa rin siyang na-bully noong estudyante pa siya.  There’s a lot of room for improvement para kay Maureen.

Comments are closed.