DUMULOG sa lokal na pamahalaan ng Parañaque ang isang pampublikong eskuwelahan upang humingi ng donasyon na gadgets para sa blended learning methods ng mga estudyante sa pagbubukas ng klase ngayong school year 2020-2021.
Ang kampanya ng Parañaque National High School (PNHS) sa donasyon na gadget na may temang “Gadget ko, Tulay sa Future mo” na gagamitin ng mga estudyante bunsod na rin sa pagbabawal ng face-to-face na pagtuturo ng mga guro dahil sa nararanasang pandemya sa buong mundo na dulot ng COVID-19.
Base sa Facebook Page ng PNHS, nagkaroon ng survey sa naturang social media outlet kung saan napag-alaman na 628 estudyante ang walang cellphones.
Gayundin, humihingi rin ng tulong sa PNHS alumni o kahit na sinuman na maaring makapag-donate sa kanila ng cellphones, tablets o laptops para sa gagamitin ng mga estudyante sa darating na pasukan.
Paliwanag pa ng naturang eskwelahan, tatanggapin nila luma man o bago ang cellphones ngunit kung maaari ay android phone ang mga ito na may minimum na 1GB RAM at expandable memory.
Sinabi pa ng PNHS, mamimigay din ang lokal na pamahalaan ng buwanang allowance na P500 sa lahat ng estudyante sa public schools para pambili ng load sa cellphones. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.