GADGETS NA GAMIT SA BLENDED LEARNING IDO-DONATE NG BOC

Mimel Talusan

MAGDO-DONATE  ang Bureau of Customs (BOC) ng educational materials at electronic devices sa Department of Education (DepEd) upang makatulong sa distance learning program ng ahensiyang ito.

Ayon kay NAIA customs district collector Mimel Talusan, nakatakdang i-turn over ng kanyang opisina sa DEpEd ang 228 pirasong assorted cellular phones (different brand), 74 units ng big screen LED monitors, 50 pirasong multi-function Xerox/printers, 13  laptops, 665  flash drives,14 pocket  WiFi, routers at mahigit sa 600 school bags at mga sapatos.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng pahayagang ito, ang mga nasabing kagamitan ay tinatayang aabot sa milyong piso ang halaga, at ang iba rito ay inabandona ng mga may ari habang ang iba ay nakumpiska ng BOC sanhi sa paglabag ng Tariff and Customs of the Philippines.

Ayon pa kay Talusan, ang  items na ito ay dumaan sa minimum standards at safe itong gamitin alinsunod sa naging pahayag ng National Telecommunication Commission (NTC) at Optical Media Board (OMB).

Ang mga gadget na ito ay makakatulong sa blended learning program ng DepEd at  makakasuporta pa ito sa tinatawag na new learning modalities ng mga estudyante sa ibat-ibang lugar sa bansa. FROILAN MORALLOS 

Comments are closed.