NAGBITIW na sa puwesto si Philippine International Trading Corporation (PITC) president Dave Almarinez.
Ito ang kinumpirma ni Atty. Larry Gadon kasunod ng kaliwat kanang batikos na tinamo ni Almarinez kaugnay ng di umano’y katiwalian sa loob ng PITC.
Sa panayam ng Pilipino Mirror, sinabi ni Atty. Gadon na kahit pa nagbitiw ito sa kanyang puwesto ay hindi pa rin dito natatapos ang kanyang mga kinasasangkutang kaso dahilan sa may naisampa na at kinakaharap na itong samut saring kaso sa Office of the Ombudsman.
Ipinaalala ni Atty. Gadon na mayroong nakabinbing kasong kriminal si Almarinez makaraang masampahan ito ng kasong katiwalian sa Ombudsman nitong Hulyo 7, 2021.
“It must be noted that the acts committed were already consummated and thus his resignation does not absolve him from criminal liability,” pahayag pa ni Atty. Gadon.
Matatandaang inirereklamo si Almarinez ng ilang negosyante bunsod ng mga umano’y pagbibigay ng pabor sa mga bidders na hindi kuwalipikado, pang- iipit ng mga pondo ng ilang ahensiya ng gobyerno gaya ng PNP, AFP, at iba pa.
Naniniwala si Atty. Gadon na may nagpuwersa kay Almarinez na magbitiw makaraang mabuking din ang kanyang magarbong kasal sa aktres na si Ara Mina sa gitna ng panahon ng pandemya.
Naniniwala naman ang iilan na nagbitiw ang PITC chief sa kanyang puwesto para paghandaan naman ang kanyang pagtakbo sa pulitika sa lalawigan ng Laguna. BENEDICT ABAYGAR, JR.
189363 2892Aw, this was a quite good post. In thought I wish to put in writing like this moreover – taking time and precise effort to make an superb article but what can I say I procrastinate alot and under no circumstances seem to get something done. 593091
462564 881873Im glad to become a visitor in this pure site, regards for this rare info! 537844
648423 599072Thank you for your fantastic post! It has long been really insightful. I hope that youll continue sharing your wisdom with us. 997791