CAMP CRAME-MAKARAAN ang pag lagda sa tipan na Disiplinado Muna National Advocacy kasama sina Interior Secretary Usec Bernardo Florece, Jr. at Lt. Generals Camilo Pancratius P. Cascolan, TDCA at Guillermo Eleazar, TDCO gayundin ang pakikipagkasundo kay Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General, Sec. Isidro upang iangat ang kaalaman ng PNP personnel para makabuo ng group of trainers para sa technical livelihood skills opportunity ng Indigenous People, dating mga rebelde at iba pang community members noong Hulyo 13 sa national headquarters, agad namang bumisita sa iba’t ibang rehiyon si PNP chief, Gen. Archie Francisco Gamboa.
Hulyo 14 ay tinungo ni Gamboa ang Police Region 5 para sa turn-over ng bagong kagamitan at armas na tinanggap naman ni BGen Anthony Alcañeses, PRO5 Regional Director.
Pinasinayaan din ng PNP chief ang bagong renobasyong gusali at tanggapan sa Camp BGen Simeon Ola sa Legazpi City, Albay kasama na ang Base Police Office, Command Group Office Complex at ang Maringal Lounge na dating Officers’ Lounge.
Kinabukasan, Hulyo 15 ay nag-command visit si Gamboa sa Police Regional Office 6 Headquarters sa Camp Gen Martin Teofilo Delgado, Iloilo City at siya ay mainit na tinanggap ni Regional Director, PBrig. Gen. Rene Pamuspusan.
Pinangunahan ng PNP chief ang blessings and inauguration ng iba’t ibang bagong tayo at newly-renovated buildings kasama ang Panay Hall, LED Wall, COA building, WCPD building, Motorpool, at Madia-as Hall.
Hulyo 17 naman ay tumulak sa La Union o Police Regional Office 1 si Gamboa para sa blessing and inauguration ng bagong tayong auditorium doon gayundin ang pagbabasbas sa 80 new mountain bike units at 221 assorted Search and Rescue Equipment sa Camp BGen Oscar Florendo, San Fernando City.
Sa report naman ng isang news online website, pasado ala-5 ng hapon noong Biyernes, Hulyo 17 ay nakita ang larawan ni Gamboa na sumasailalim sa triage sa St. Vincent Gym sa Baguio City. EUNICE C.
Comments are closed.