GAME 2 NG GINEBRA-RoS SERIES KANSELADO

on the spot- pilipino mirror

SANHI ng walang tigil na pag-­ulan na nagdulot ng mga pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila dala ng Habagat ay kinansela ni PBA Commis­sioner Willie Marcial ang laro kahapon sa pagitan ng Barangay Ginebra at ng Rain or Shine sa Araneta Coliseum.

Isinaalang-alang ni Kume Marcial ang kaligtasan ng mga player,  supporter, at staff ng liga. Itutuloy ang nakanselang Game 2 ng semifinals series ng Elasto Painters at Gin Kings bukas ng alas-7 ng gabi.

Ngayong gabi ay ipagpapatuloy naman ang best-of-five semifinals showdown ng San Miguel Beer at Alaska. Ang Beermen ni coach Leo Austria ay isang panalo na lamang ang kailangan upang umusod sa finals. Ngunit nangako ang Aces na babalik sila upang manatili sa kontensiyon. Abangan natin ang mangyayari sa game ng Alaska at SMB ngayong gabi.



Nandito ngayon ang isa sa players ng PROUDLY PINOY – MILANO na si MARC GEGA, point guard, 5’9, at tubong Batangas City. Kasama niyang naninirahan sa Miilan, Italy ang kanyang mga magulang. Nasa Pinas si Gega para magbakasaling magkaroon ng katuparan ang pangarap na makapaglaro sa UAAP, NCAA PBA D-league, MPBL or NBL.

Mahusay ang mga kamay ng player na ito, sana mabigyan siya ng pagkakataon. In fairness,  artistahin  ang dating ni Gega. Nang makita ko nga ang player, akala ko mag-aartista o magmo-model siya dahil sa ganda niyang lalaki. Pero mas nais ni Gega na magbasketbol. Ang favorite player siya ay si Jio Jalalon ng Magnolia Hotshots.



Nakatutuwa naman itong si Marc Pigris. Kahanga-hanga siya dahil naghahanda na siya para sa kanyang retirement. Bihira sa player na pinaghahan-daan ang pagtatapos ng career. Bagama’t 36-anyos pa lamang itong si Pingris ay abala na siya with his family and wife Danica sa tinatayong poultry sa Pangasinan. Kaya madalas ang pag-uwi-uwi nila sa Pangasinan.

Alam naman natin na ang basketball ay hindi panghabambuhay kaya kailangang  magtayo ng business.  By December pa malalaman kung makakabalik na siya sa paglalaro. Katuna­yan ay tatlong buwan pa lamang si Pingris nakakasabay sa practice ng kanyang team at patuloy pa rin ang pagpapa-therapy para palakasin ang kanyang mga tuhod na nadale ng ACL.

Isa rin si Marc sa owners ng  DISTRICT 8, na ang mga kasosyo ay sina James Yap, Paul Artadi, former vice mayor at ex-PBA player Francis Zamora, actor Daniel Padilla, TV host/ comedian Vice Ganda, at ‘yung dalawang friends nilang Chinese.

Comments are closed.