GAME 3: UNAHAN SA PAGLAPIT SA FINALS

pba

Mga laro ngayon:

AUF Gym

3:45 p.m. – TNT vs Phoenix

6:30 p.m. – Ginebra vs Meralco

TABLA ang serye sa 1-1, muling babalik ang Talk ‘N Text, Barangay Ginebra, Meralco at Phoenix sa Angeles University Foundation gym ngayon at mag-uunahang lumapit sa finals sa PBA Philippine Cup.

Maghaharap ang Tropang Giga at Fuel Masters sa unang laro sa alas-3:45 ng hapon habang magsasagupa  ang Gin Kings at Bolts sa alas-6:30 ng gabi.

Tinalo ng Phoenix ang TNT, 110-103, at pinadapa ng Meralco ang Barangay Ginebra, 95-77, sa Game 2 para ipatas ang best-of-five semifi-nal series sa 1-all.

Tiyak na magpapakamatay ang apat na semifinalists para manalo at lumapit sa finals kung saan ang matitirang dalawang koponan ay mag-tutuos sa best-of-seven titular showdown.

Kailangang maghanda ang TNT at Barangay Ginebra dahil mataas ang morale at fighting spirit ng Phoenix at Meralco matapos ang panalo sa Game 2.

Tiyak na sasamantalahin nina Meralco coach Norman Black at Phoenix bench tactician Topex Robinson ang momentum sa kanilang panalo at napigilan ang  Barangay Ginebra at TNT na ma-sweep ang best-of-five series.

“We just have to give our very best. No guarantee of winning, but as long as we know in our heart of hearts that we gave our best then that’s it,” sabi ni Robinson.

“So far even in Game 1 we had a chance to win and now we eventually won and got over the hump of beating TNT. Hopefully, we can get Game 3. But, again, we have to remind ourselves to always be hungry and always make sure that we are grounded and it will take all of us to again beat a team like TNT.”

Mababa ang morale nina TNT coach Bong Ravena at Barangay Ginebra mentor Tim Cone sa pagkatalo sa Game 2.

Sa kabila na natalo, lamang pa rin sa billing ang TNT dahil mas malalim ang bench ni coach Ravena upang kunin ang 2-1 bentahe.

Muling sasandal ang TNT sa kanilang kamador na sina Jayson Castro, Roger Pogoy, Troy Rosario at Ryan Reyes kontra kina RJ Jazul, Matthew Wright, Calvin Abueva at Jayson Perkins, at makikipagbalyahan sa low post ang tambalan nina Jay Washington at Harvey Carey sa big men ng Phoenix na sina Justin Chua at Dave Marcelo.

Ganoon din ang Barangay Ginebra na lamang kung pag-uusapan ang tao sa tao, at mas malalim ang karanasan ni  Cone, na isang champion coach, kumpara kay rookie mentor Topex Robinson.

Pangungunahan nina Stanley Pringle, LA Tenorio, Scottie Thompson, at Japeth Aguilar ang opensiba ng Barangay Ginebra, habang ba-bantayan ng 6-foot-7 na si Aguilar ang shaded area para huwag maka-penetrate ang Meralco na pangungunahan nina Chris Newsome, Baser Amer, Cliff Hodge, Reynel Hugnatan at Bong Quinto. CLYDE MARIANO

Comments are closed.