‘GANDANG GABI VICE’ ‘DI MAKAALAGWA KINA BOOBAY AT TEKLA, KAY JESSICA SOHO PA KAYA?

GGV - TEKLA AND BOBAY

UMEERE pa rin ang The Voice Teens kapag Linggo,  at 8:15 p.m., to be followedsizzling bits also by GGV at 9:30 PM.

Simply stated, maka-eeksena ng The Voice Teens at GGV ang consistent top-rater ng GMA na Kapuso Mo Jessica Soho.

Hindi na kailangang makita namin ang rating.

I’m positive na ka­yang-kayang pataubin ang  combined efforts nang The Voice Teens at GGV ng KMJS na bongga ang rating pareho sa Nielsen Philippines at sa Kantar Media man.

Kung si Korina Sanchez nga na nuknukan ng galing at highly articulate,  ay pinakakain ng alikabok nu’ng katapat pa ng Rated K ang Kapuso Mo, Jessica Soho, ano pa si Vice Chakah and company?

Sa totoo, matagal nang nangunguna sa rating ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing araw ng Linggo. Maski sa Kantar Media ay ito ang madalas na No. 1 at inilalampaso nang bonggang-bongga ang kasabay.

Good riddance! Bwahahaha!

IRITADA ANG FANS KAY LOLITA SOLIS

WALANG katapusang panglalait ang natikman ni Lolita Buruka when she posted on Instagram about the imbroglio between Pilita Corrales and Lotlot de Leon.

Lotlot felt offended when Pilita said that she gave Janine Gutierrez a piece of her mind as a reaction to Janine’s “Oh God” comment in connection with Bong Revilla’s television comeback.

Lotlot wasn’t able to control her emotions and she gave Pilita quite a tongue lashing, albeit she did not mention her name.

“Medyo nakahihiya naman, Salve, na naging guest lang natin si Pilita Corrales sa Take It…Per Minute! (Me Ganun) heto at nasa gitna siya ng controversy kay Lotlot de Leon. Sana naman maging maayos ang mga pangyayari dahil hindi naman siguro dapat na iyon old wounds buksan pa uli. Wala akong kinakampihan sa dalawa lalo pa nga at talagang hanga ako na lahat ng anak nila Ramon Christopher at Lotlot lumaking maayos at nakatapos ng pag-aaral. Siguro dahil na rin sa guidance nila Pilita at Lotlot. Sure ako na na­ging magkatulong silang tatlo kung bakit lumaking maayos ang mga bata, for that alone, isang malaking karangalan iyon sa kanila bilang mga magulang at lola. Now, anuman si­guro mga hindi magustuhang salita huwag na lang palakihin pa.”

As a reaction, naimbiyerna ang kanyang IG followers at talagang nag-react ang mga ito laban sa Harbat Queen.

“E kasi, Manay, you made a big deal out of the poor girl’s comment. It’s her opinion. She has every right to be true to what she believes in. Kinikitil nyo ang kabataan. Porke alaga n’yo si Bong na questionable naman talaga. You should stop doing that. If you want to be respected, respect others too. Ang peaceful na pamilya, nagulo na naman because of you.”

“Ikaw kasi ang may kasalanan, lahat ng bumabatikos sa alaga mo eh inaaway mo.

Simpleng comment ni Janine pinalaki mo samantalang lahat may karapatang magbigay ng saloobin nila. Matagal ka na sa showbiz dapat alam mo na negative or positive comment man dapat tanggapin.”

‘Yan ang severe tongue lashing na natikman ng harbaterang gurang. Hahahahahaha!

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!