GARAFIL ITINALAGA SA MECO-TAIWAN, CHAVEZ MANUNUMPA BILANG BAGONG PCO CHIEF

NAGBITIW na bilang pinuno ng Presidential Communications Office (PCO) si Secretary Atty. Cheloy Garafil.

Habang binigyan ng pagkakataon na magpasa ng courtesy resignation ang kanyang mga tauhan sa PCO para naman malayang makapamili ng tauhan ang papalit sa kanya.

Papalit kay Garafil si Secretary Cesar Chavez na manunumpa ngayong hapon.

Ang pagbibitiw ni Garafil ay kasunod ng pagtatalaga sa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang chairman ng Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan kapalit ni Silvestre Bello III.