GARNETT INTERESADONG BILHIN ANG TIMBERWOLVES

Kevin Garnett

KABILANG si NBA legend Kevin Garnett sa mga interesadong bilhin ang Minnesota Timberwolves makaraang ianunsiyo ni owner Glen Taylor ang intensiyon nitong ibenta ang koponan.

Ang koponan ay pagmamay-ari ni Taylor magmula noong 1994.

“I was recently approached by The Raine Group to discuss the future of our franchise,” wika ni Taylor, ayon sa ESPN. “From the time I bought the team in 1994, I have always wanted what’s best for our fans and will entertain opportunities on the evolution of the Timberwolves and Lynx ownership structure.”

Inanunsiyo ni Garnett, naglaro sa Timberwolves mula 1995 hanggang 2007 at muli noong 2015-2016, sa social media na bahagi siya ng isa sa mga grupo na interesadong bilhin ang franchise.

“Please let my group get this,” sabi ni Garnett sa isang Instagram story.

Sa Twitter ay inihayag niya ang kanyang labis na pagmamahal para sa lungsod ng Minneapolis. Si Garnett ay kinuha ng Timberwolves bilang fifth overall pick sa 1995 NBA Rookie Draft  at nanalo ng Most Valuable Player award noong  2004 bago dinala sa Boston Celtics sa isang blockbuster trade noong 2007.

“I once again want to see Minneapolis as the diverse and loving community that I know it is,” ani Garnett. “No two people love the city more than myself and Glen Taylor and I look forward to trying to work with him to achieve my dream.”

Batay sa report, i­binebenta ni Taylor ang franchise sa halagang $1.2 billion. Ayaw niyang ibenta ang koponan sa mga taong ililipat ang relocate sa labas ng  Minneapolis.

Comments are closed.