Gerald Anderson, nagpaalala sa nararanasang pandemya

PAALALA ng aktor na si Gerald Anderson na maging sensitibo at huwag gawing kumplikado ang buhay ngayong halos isang taon nang nakararanas ng pandemya ang buong mundo.

Ito ang naging suhestiyon ni Gerald para sa mga kabataan sa ginanap na virtual interview sa isang online show nito kamakailan.

Nagmuni-muni ang aktor at tinanong ang sarili kung ano ba talaga ang kanyang mga prayoridad sa buhay.

Kasama ni Gerald sa interview sina Yam Concepcion at JM de Guzman, na co-stars niya sa upcoming Kapamilya teleseryeng Init sa Magdamag.

Ibinahagi ng tatlo ang mga aral na matututunan ng mga kabataan sa kanilang teleserye.

“It’s all about the challenges na hinaharap po natin araw-araw.” sagot ni Gerald.

“Sana maging sensitive din tayo sa mga ibang tao, na hindi po natin alam kung anong pinagdadaanan nila sa buhay.

“Hindi po natin alam na may mga kanya-kanya po tayong challenges, e.

“Kanya-kanya yung hinaharap natin, so let’s try to be sensitive and sana may concern din tayo para sa iba.” dagdag ng pahayag ni Gerald.

At ito naman ang naging payo niya para sa mga kabataan ngayong may pandemya.

“Just keep things simple,”
“’Yan naman ang pinakaimportante sa mga natutunan ko. Don’t complicate life.

“Ang daming pwedeng magbago, and the more you keep it simple, the better.” sabi ni Gerald. AB

Comments are closed.