NANG sumikat at magkapangalan si Gerald Anderson sa showbiz industry ay marami rin naman ang nangarap na makasama siya sa isang project, pero sa nangyayaring gulo na kinasangkutan ng actor ay biglang naglaho rin ang mga naghahangad na makasama siya o makapartner sa isang project.
Sa interview ni Kuya Boy Abunda kay Nadine Lustre sa Tonight With Boy Abunda ay game na game si Nadine na pumili ng mga leading man na kung saan lalabas ang mga larawan ng mga ito sa naturang segment ng show.
Kapag type o gusto niyang maka-partner ay sasabihin niyang “Indak” at kapag ayaw niya ang leading man ay sasabihin niya ay “Tadyak.”
Nakasama sa mga pagpipilian si Gerald Anderson. Ang kaagad na sagot ni Nadine ay “tadyak” na ibig sabihin ay hindi niya feel makasama o maka-partner sa isang pelikula or teleserye.
Tawanan ang mga audience sa studio ng show ni Kuya Boy sa naging sagot ni Nadine. Nang tanungin kung bakit hindi na nito sinabi ang dahilan.
“Basta, Tito Boy,” aniya.
Natural na hinala ng mga netizen, ang pagtanggi ni Nadine na makasama si Gerald ay dahil sa nangyayaring isyu na kinasasangkutan ng aktor kina Bea Alonzo at Julia Barretto.
Kahit na kasi nagsalita at nagbigay na ng kanyang side si Gerald at Julia ay marami pa rin ang hindi naniniwala sa kanila.
MARIEL RODRIGUEZ TO GIVE BIRTH AGAIN IN THE US
SA Amerika muling manganganak si Mariel Rodriquez-Padilla sa second baby nila ni Robin Padilla. Matatandaang sa Tate din nanganak ang TV host/actress sa panganay nilang anak na si Isabella na kung saan ay tatlong taon na ito ngayon.
Naka-leave na ngayon si Mariel sa It`s Showtime dahil gusto niya munang magkaroon ng oras para sa kanyang mag-ama bago siya umalis ng bansa.
“Magli-leave ako kasi I want to spend time with Robin also, kami ni Isabella. Magli-leave muna ako sa work. Thank you so much ABS-CBN, sa Showtime family kasi naiintindihan nila na kailangan ko,” pahayag ni Mariel nang mag-guest siya sa Magandang Buhay.
“Siyempre, I need to spend time with Robin also before Isabella and I fly to States to get ready when I give birth,” say pa ni Mariel.
Baby girl uli ang magiging anak nina Robin at Mariel. Ang magiging name ng second baby nila ay Gabriella na siyang napiling ipangalan ni Robin sa kanilang ikalawang anak.
Pero tigil na raw muna si Mariel sa 2 kids at hindi na raw nila hahangarin pa na magkaroon ng baby boy. Sila rin raw kasi sa pamilya ay dalawang magkapatid na babae at sobrang happy. Maging si Robin din daw ay ayaw na rin ng pangatlo pang anak.
Bago natapos ang show ay nagbigay ng kani-kanilang mensahe sa isa`t isa sina Robin at Mariel kung gaano nila kamahal ang isa`t isa.
Nagmistulang ikinakasal sila habang nagbibigay ng kanilang mensahe sa isa`t isa na ikinaiyak pa nga ni Mariel.
Comments are closed.