HINDI gawang biro ang mag-perform ng walong beses sa isang linggo na puro intense ang bawat eksena, at may isang araw ng dalawang beses na pagtatanghal tulad ng ginagawa ng Pinoy Pop Gerald Santos na gumaganap na Thuy sa classic international stage musicale na Miss Saigon.
At ngayong gabi, it will be Gerald’s 300th performance ng walang alternate since he stepped on the Manchester stage in early May of 2017.
When Gerald came home for a break sometime last May 2018, we had the chance to bond with him and his family in a short vacay somewhere in the North where he gladly revealed to us that even prior to the end of his contract with Cameron Mackintosh, he has been offered another one-year contract on the heels of his 280th performance as Thuy in Miss Saigon, which covered key cities in the United Kingdom, Scotland and Wales.
Hindi naman katakataka dahil sobrang papuri ang kanyang natanggap sa kanyang impressive performance from UK’s theater critics.
Ayon kay Gerald, magsisimula ang kanyang bagong kontrata pagbalik niya ng UK na magsisimula sa Bristol Hippodrome, at malamang na masundan ito ng performances sa Switzerland, at makasali pa ang Germany at Australia.
May mga usapan aniya na baka magkaroon din ng Asian tour sa susunod na taon, 2019, at malamang na makasali hihintuan nila ang Singapore, Korea, at ang dalangin ni Gerald na magkaroon sa Pilipinas. Gusto niyang makapanood ang mga kababayan natin at makapag-perform siya sa Pinoy audience na inamin niya na sobra niyang nami-miss.
“Isang taon ang nakaraan mula nang mag-join ako ng Miss Saigon. Nakaka-miss ang Manila. Pero marami akong natutunan sa international production, at personally, ang mabuhay ng solo,” lahad niya. Natuto raw siyang magluto at kalimitan ay naka-Skype siya sa kanyang manager na si Cocoy Ramilo para magtanong ng recipe na lulutuin. Incidentally, Cocoy is a good cook.
Bago siya umuwi ng Pinas, nahintay pa niya ang pagdating ng bagong cast ng Miss Saigon, ang isa pang talentadong Filipino singer na si Aicelle Santos na gaganap bilang si Gigi ang bar girl. Sina Gerald at Aicelle ay parehong produkto ng GMA Network na Pinoy Pop Superstar singing contest.
Sa kanyang pag-uwi ay kasabay na inilunsad ang kanyang single sa ilalim ng Star Music, isang madamdaming ballad na pinamagatang I Am Yours, composed by Kiko Salazar.
Kinunan pa ang music video ng I Am Yours sa Dubai, London at Scotland.
Sa ipinakitang video sa amin ni Gerald, kasama ang mga naging biyahe niya—Edinburgh, Scotland; Mayflower Theatre sa Southampton, Al-Ain Desert sa Abu Dhabi, at disyerto ng Dubai.
Pahabol pa ni Gerald na pagkatapos ng kanilang performance sa Bristol, magkakaroon siya ng concert sa Notting Hill sa Moxilla Social Club, dahil mayroon silang walong araw na break.
Ginagawa na rin ang kanyang post birthday TV Special, ang Something New in My Life na ipalalabas sa Net 25, 8-10 pm.
May isa pang pasabog na mangyayari sa international career ni Gerald pero hindi muna namin isusulat. Patunay ito ng sobrang appreciation ng kanyang exemplary performance which is world class. Abangan!
Sundan na lamang ang kanyang activities sa kanyang bagong website, geraldsantos.com.
Boom!
Comments are closed.