GERMAN PORK IMPORTS BAWAL MUNA DAHIL SA AFRICAN SWINE FEVER

GERMAN PORK

NAGPALABAS ang Department of Agriculture (DA) ng temporary ban sa pag-angkat ng  domestic at wild pigs, pork products, at  by-products mula sa Germany.

Ipinatupad ang ban makaraang makumpirma ang unang kaso ng African swine fever  (ASF) sa Schenkendöbern, Spree-Neiße, Brandenburg, na nakaapekto sa wild boar.

Base ito sa official report na isinumite ni Dr. Dietrich Rassow — director for animal health and animal welfare, chief veterinary officer, Directorate of Animal Health and Animal Welfare, Federal Ministry of Food and Agriculture, Berlin, Germany — sa World Organization for Animal Health (OIE) nitong Setyembre 10.

Bukod sa temporary ban, iniutos  din ni Agriculture Secretary William Dar ang kagyat na pagsuspinde sa pagproseso at ebalwasyon ng application at  ang pag-iisyu ng sanitary and phytosanitary (SPS) import clearance sa domestic at wild pigs, pork products, at by-products mula Germany.

Dahil dito, ang lahat ng shipments ng pigs, pork, at pork products mula Germany papasok sa Filipinas ay kukumpiskahin ng DA-Bureau of Animal Industry (BAI) veterinary quarantine officers sa lahat ng major ports of entry.

Comments are closed.