PINAWI ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang pangamba na baon na sa utang ang Filipinas sa China.
Ayon kay Dominguez, ang pagkakautang ng bansa sa China ay nasa isang porsiyento lamang ng kabuuang utang nito.
Paliwanag ng kalihim, sa pagtatapos ng termino ni President Rodrigo Duterte, ang Filipinas ay mas malaking pagkakautang sa ibang mga bansa kaysa China.
“At the end of 2022 if all our projects funded by China we are gonna borrow money against those, our total debt to China will be 4.5 percent of our total debt. The debt to Japan will be 9.5 percent. Now I don’t know why people are not saying we are gonna drown in Japanese debt,” aniya.
Tiniyak niya sa publiko na sinasala nila ang utang sa China gamit ang kaparehong standards sa iba pang loans.
“The debt for projects funded by China go through the same stringent processes, number one. And number two, we negotiate very hard for those terms. We negotiate for as long a term as possible and as low an interest as possible,” paliwanag pa ni Dominguez.
Ang agresibong pag-utang ay naglagay sa total debt ng bansa sa P7.293 trillion noong 2018. Gayunman, sinabi ni Dominguez na ang mga utang na ito ay ‘manageable’ dahil ang debt-to-GDP ratio ng bansa ay bumaba sa likod ng lumalagong ekonomiya nito.
Aniya, noong administrasyon ni Arroyo, ang ratio ay nasa 75 percent. Bumaba ito sa 55 percent noong Aquino administration, at sa kasalukuyan ay nasa 41.5 percent ito.
Sa pagtaya ni Dominguez, lalo pa itong bababa sa 38.5 percent ng GDP sa 2022.
“If we are not growing but borrowing that is really bad, but since we are growing we have the ability to borrow more because we have the productive ability to pay more,” dagdag pa niya.
Comments are closed.