GILAS BALIK-ENSAYO SA HUNYO PARA SA FIBA WORLD CUP

Gilas

KASALUKUYANG nagpapahinga ang Gilas Pilipinas kasunod ng kanilang matagumpay na kampanya sa katatapos na 32nd Southeast Asian Games.

“Unang-una, pahinga muna kami, that’s very important,” sabi ni Reyes.

Subalit matapos ang twoweek break, ipagpapatuloy ng nationals ang kanilang paghahanda para sa FIBA World Cup
2023.

Ayon kay Reyes, plano nilang ipagpatuloy ang ensayo sa Hunyo 1.

“We’re putting together the final details of the training camp sa Europe and some tune up matches.”

Nais ni Reyes na sumailalim ang kanyang tropa sa matinding pagsasanay sa ibang bansa dahil mapapalaban sila sa Italy, Angola at Dominican Republic sa group stage ng world competition.

Ang Pilipinas ay magiging co-host ng games kasama ang Indonesia at Japan simula sa Agosto 25.

“We will make announcements pag na-finalize na ang schedule, but for now the resumption of practice on June 1,” sabi ni Reyes.

Nanindigan siya na final appearance na niya ang Cambodia sa SEA Games.

“The Southeast Asian Games is really for younger players, younger coaches developmental players. I have made up my mind that this will be my last Southeast Asian Games,” aniya.