GILAS BALIK SA TRAINING CAMP SA CALAMBA

gilas

BABALIK ang Gilas Pilipinas sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para sa isa pang training camp sa Lunes.

Ang koponan ay inaasahang pangungunahan ng full-time national team players na pinili ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) mula sa 2019 at 2021 PBA Rookie Draft.

Kinabibilangan ang mga ito nina Isaac Go, Matt, Mike Nieto, at Rey Suerte mula sa  2019 batch; at William Navarro, Jaydee Tungcab, Jordan Heading, at  Tzaddy Rangel mula sa 2021 draft.

Ang national team ay naghahanda para sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers na gaganapin sa  Hunyo 16-20 sa Clark, Pampanga, gayundin sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia mula Hunyo 29-Hulyo  4.

Inaasahan din ang paglahok sa camp ng ilang amateurs, kabilang sina Dwight Ramos, Justine Baltazar, Javi Gomez de Liano, at Dave Ildefonso, na pawang naglaro para sa Gilas nang sumabak ito sa third FIBA Asia Cup qualifying window sa Bahrain noong nakaraang Nobyembre. l

Nakatakda ring dumalo sa camp si Ateneo center Ange Kouame, na malapit nang matamo ang naturalization.

Naunang nagsagawa ng training camp ang Gilas Pilipinas sa Inspire facility noong Enero bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup qualifiers, subalit lumabas ito nang iurong ang torneo.

3 thoughts on “GILAS BALIK SA TRAINING CAMP SA CALAMBA”

  1. 485938 945957I ran into this page accidentally, surprisingly, this is a fantastic internet site. The internet site owner has done an excellent job writing/collecting articles to post, the information here is truly insightful. You just secured yourself a guarenteed reader. 522660

Comments are closed.