MAAARING maglaro ang Gilas Pilipinas sa PBA Philippine Cup ngayong taon bilang guest team, ayon kay league commissioner Willie Marcial.
Ayon kay Marcial, ito ay upang matulungan ang national men’s basketball team na makapaghanda para sa mga torneo sa hinaharap kung saan mapapalaban sila sa 12 koponan ng liga.
“We want to help them gain experience through playing in the All-Filipino conference,” wika ni Marcial.
Ang Gilas team ay pangungunahan ng limang draftees mula sa 2019 special draft — Isaac Go, Rey Suerte, magkapatid na Mike at Matt Nieto, at Allyn Bulanadi.
Sinabi ni Marcial na ang naturang mga player ay sasamahan ng tatlo hanggang limang players na pipiliin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa susunod na draft na gaganapin sa Marso 14.
Isusumite ng SBP ang listahan ng mga player na pinupuntirya nito ngayong linggo.
Ayon pa sa PBA commissioner, maaari ring sumalang ang Gilas sa Philippine Cup championship.
Ang Northern Cement, ang amateur-ed team na kinatawan ang Filipinas sa international tournaments noong 80s, ang nakasungkit sa 1985 PBA Reinforced Conference title at naglaro sa dalawang iba pang conferences.
Ang Ron Jacobs-mentored squad ay kinabibilangan ng mga amateur player noon na sina Samboy Lim, Hector Calma, Allan Caidic, at reinforcements Dennis Still at Jeff Moore.
Ang unang batch ng Gilas ay naglaro sa 2009 PBA Philippine Cup bilang guest team.
Comments are closed.