HANOI – Binugbog ni Tokyo Olympics bronze winner Eumir Marcial ang kanyang unheralded Timor Leste opponent upang pangunahan ang final-day, four-gold medal haul na kahit papaano ay nawalan ng ningning matapos mabigo ang Pilipinas sa misyon nito sa 31st Southeast Asian Games kahapon dito.
Nagpamalas ng superior skills, magaan na tinalo ni Marcial si Delio Anzageci Mouzinho sa referee-stopped contest (RSC) victory sacfirst round ng middleweight finals, kasunod ng mga panalo nina Ian Clark Bautista at Rogen Ladon sa Bac Ninh Stadium.
Subalit ang higit na pinag-uusapan, ang pinakamalungkot sa pagsabak ng Team Philippines dito, ay ang stunning 81-85 defeat na tinamo ng Gilas Pilipinas sa Indon squad na pinalakas ni dating NBA player Marques Bolden at ginabayan ni dating Gilas mentor Raiko Toroman.
Ang pagkatalo ay makaraang malasap ng Gilas Pilipinas women’s team ang hindi rin inaasahang 93-96 pagkatalo sa mga kamay ng upstart Malaysian squad sa Thanh Tri Gymnasium, bagaman kahit natalo ay nakuha pa rin ng mga Pinay ang gold medal via winner-over-the-other rule.
May 5-1 marka, ang men’s squad na ginabayan ni Chot Reyes, pumalit kay Tab Baldwin nang mag-resign ito noong nakaraang Enero, ay naging ikatlong Philippine team sa kasaysayan ng SEA Games na nabigong magwagi ng gold matapos ang katulad na silver medal finishes ng bansa sa 1979 at 1989 games, kapwa sa Malaysia, kontra 18 title conquests.
Agad itong nag-udyok ng panawagan sa social media para magbitiw si Reyes, kung saan binigyang-diin ng kanyang mga detractor na ang biennial competition ang lowest form of competition sa Asia.
“Our players played their best,” wika ni Reyes matapos ang laro. “Indonesia came up with a very good game plan. They shot well from the three-point line. In the end, we just couldn’t match it.
“Obviously that’s on me. I take full accountability and responsibility for the result. Like I said, they tried their best and that’s sports. That’s life. Sometimes, things don’t work out the way we played,” dagdag pa niya.
Nawalan ng kinang sa pagkatalong ito ng Gilas ang mga panalo nina Ladon, na naungusan ang Thao Tran Van ng Vietnam, 3-2, sa men’s 52kg division, at Bautista, na ginapi si Naing Latt ng Myanmar, 5-0, sa men’s 57kg class.
Ang Philippine contingent, na suportado ng Philippine Sports Commission at ng Philippine Olympic Committee, ay tinapos ang 12-day biennial games na may 51 gold, 67 silver at 92 bronze medals para sa fourth overall, isang malaking pagbaba mula sa overpowering performance nito, tatlong taon na ang nakalilipas, nang masungkit ng bansa ang ikalawang overall crown na may 149-117-121.
Patuloy naman ang paghakot ng medalya ng Vietnam na may 193-115-109 hanggang press time, kasunod ang Thailand (84-96-126) at Indonesia (63-83-74).
Napako ang Singapore, na inagaw ang fourth place sa Pilipinas noong Biyernes, sa 47 golds na may 45 silver at 67 bronze medals para sa fifth.