GILAS PINULBOS ANG INDIA

NANALASA ang Gilas Pilipinas sa second half upang makalayo sa India at kunin ang 88-64 panalo nitong Biyernes sa Araneta Coliseum.

Ang Gilas ay sumalang sa kanilang unang laro sa FIBA World Cup Asian Qualifiers at nangailangan ng oras para makuha ang kanilang rhythm laban sa Indian team na ranked 80th sa mundo ng FIBA.

Ang panalo ay nagbigay sa Gilas ng 1-0 record sa Group A ng qualifiers, katabla ang New Zealand. Nahulog ang India sav0-2 sa grupo.

Magbabalik ang Gilas sa aksiyon sa Linggo kontra New Zealand, na minasaker ang   India, 101-46, sa kanilang unang laro sa window noong Huwebes.