SINIMULAN na ng Philippine men’s national basketball team ang pagsasanay para sa 31st Southeast Asian Games kung saan liyamado sila na magwagi ng gold medal.
Ipinost ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa kanyang Instagram ang ilang videos ng national team habang nasa ensayo sa Moro Lorenzo Sports Center sa loob ng Ateneo de Manila University campus.
Kabilang sa mga player na dumalo sa training si 16-year-old Filipino-American Caelum Harris, na nasa kanyang Gilas Pilipinas debut sa SEA Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam sa susunod na buwan.
Naroon din sina cadets William Navarro at Lebron Lopez, at PBA players Moala Tautuaa at June Mar Fajardo ng San Miguel, Isaac Go, Kevin Alas, Robert Bolick, at TNT’s Troy Rosario at Kib Montalbo.
Bahagi rin sina Japan-based professionals Thirdy Ravena at Dwight Ramos ng SEA Games squad, subalit nasa kalagitnaan pa ng kanilang kampanya sa B.League sa Japan.
Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), ang dalawa ay kapwa makapaglalaro sa biennial meet.
Nakatakda ang Hanoi SEA Games sa May 12-May 23. Target ng Pilipinas na maidepensa ang gold medal nito sa basketball na napanalunan noong 2019 nang walisin ng team ng PBA stars na ginabayan ni Tim Cone ang torneo.