TULOY ang buhay sa Gilas Pilipinas training camp sa Inspire Sports Academy.
Sa kabila ng pagkansela ng bansa sa hosting ng final window ng FIBA Asia Cup qualifiers, ang national team ay hindi aalis sa camp sa loob ng Calamba bubble dahil kailangan nitong manatiling nasa kondisyon sakaling matuloy ang pagdaraos ng bagong host country ng Feb. 18-21 meet.
Kahit matapos na opisyal na ianunsiyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagkansela sa pag-host ng bansa sa qualifier noong Martes, ang 19-man training pool ay patuloy sa pag-eensayo sa loob ng Calamba bubble.
“We will continue training until we get advice from FIBA,” wika ni head coach Jong Uichico.
“We will not break camp. We are continuing to practice,” dagdag ni added Ryan Gregorio, special assistant to SBP President Al S. Panlilio at alternate governor ng Meralco sa PBA.
Sa kasalukuyan ay wala pa ring ideya ang Gilas kung kailan at saan ililipat ang mga nakanselang laro sa Clark sa Pampanga.
Subalit walang dahilan para tumigil sa pag-eensayo ang koponan.
“We have to keep going to be ready when FIBA finds a host for the third window,” ani Panlilio, na siya ring Meralco governor sa PBA board.
Anim na PBA players, apat na PBA special draftees, at siyam na cadets ang kabilang sa training pool na sasamahan din ni NBA prospect Kai Sotto.
Ang pro players ay kinabibilangan nina Roger Pogoy, Troy Rosario, Justine Chua, CJ Perez, Kiefer Ravena, at Raul Soyud, habang ang special Gilas draftees ay sina Mike at Matt Nieto, Isaac Go, at Rey Suerte.
Ang cadets roster ay binubuo nina Dwight Ramos, Justine Baltazar, draft applicants William Navarro at Calvin Oftana, Dave Ildefonso, Javi Gomez de Lia?o, Juan Gomez de Lia?o, Kemark Carino, at prospective naturalized player Ange Kouame.
Comments are closed.