GILAS WOMEN PUMASOK NA SA TRAINING CAMP SA LIPA

NAGTAYO ang Gilas Pilipinas Women squad ng bubble camp bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa 2021 FIBA Women’s Asia Cup na nakatakda sa September 27-October 3 sa Amman, Jordan.

Ayon kay Ryan Gregorio, Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) special assistant to the president, ang nationals ay kasalukuyang tumutuloy sa JET Hotel habang ang kanilang training venue ay sa Summit Point Golf & Country Club, na kapwa matatagpuan sa Lipa, Batangas.

Bumuo si multi-titled mentor Patrick Aquino ng isang koponan na kinabibilangan ng mga pinaghalong beterano at baguhan.

Ang koponan ay pinangungunahan nina Afril Bernardino, Chack Cabinbin, Khate Castillo, Clare Castro, Ria Nabalan, Janine Pontejos, Mar Prado, at Andrea Tongco, pawang holdovers mula sa 2019 SEA Games gold medal winning team, kasama sina Kristin Cayabyab, Karl Ann Pingol, Camille Clarin, at  Ella Fajardo.

“It’s good that we can finally start working together,” wika ni Aquino, na tutulungan nina coach  Ramon Garcia, Julie Amos, at Mark Solano, kasama sina trainer Paolo Gorospe at physical therapist Rassel Urag.

“During these times, it’s a luxury to be able to focus on basketball and that’s why the team is thankful for this opportunity to practice in a safe environment.”

Makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang China sa September 27, Australia sa September 28, at Chinese Taipei sa September 29.

Ang top four teams sa torneo ay magkakaroon ng tsansang mag-qualify para sa FIBA Women’s Basketball World Cup 2022 sa Australia.

4 thoughts on “GILAS WOMEN PUMASOK NA SA TRAINING CAMP SA LIPA”

  1. 94354 9439Generally I do not read post on blogs, nonetheless I would like to say that this write-up very forced me to check out and do so! Your writing taste has been surprised me. Thank you, quite excellent post. 842700

Comments are closed.