NAGING panauhin sa EAT BULAGA ang apat na nakasungkit ng gintong medalya sa katatapos na 30th Southeast Asian Games na sina Hermie Macaranas ng canoe, Christine Hallasgo ng marathon, Melvin Calano ng javelin throw, at Jack Animam ng 3X3 women’s basketball team, kasama sina Aidelyn Lustre ng dragon boat (bronze), Sharief Afif (bronze) at Collen Florence ng sailing (silver). Ang pito ay mga choice sa segment ng Eat Bulaga na BAWAL JUDGMENTAL, ng singer/comedian actress na si Ms. Gladys Guevarra.
Nakatutuwa si Calano dahil bago magsimula ang show ay super mahiyain ito lalo na nang malaman niya na may talent portion. Noong nakasalang na ang mga choice para sa judgmental ay tila nawala ang pagiging mahiyain ni Melvin. Lumabas ang talent niya nang kumanta ito ng “We Wish You a Merry Christmas”. Pagkatapos niyang kumanta ay biglang sabi kay bossing Vic Sotto,”NAMAMASKO PO “, natuwa si bossing at sa kada mali ni Ms. Gladys sa pagpili niya sa pitong choices ay ibinibigay niya kay Alano ang premyo na almost P15k. Sa tuwa ni Sotto, ibinigay niya lahat ito bukod pa sa ibinigay ni Joey de Leon na P1k. Ang napamaskuhan ni Calano ay umabot sa P16k. Ngayon lamang nangyari sa nasabing segment na namigay si Vic Sotto. Bilang tulong na rin ito sa pagpapagawa ng bubungan nina Alano sa Camarines Norte na tinangay noong kasagsagan ng bagyo.
Maganda rin ang kuwento ni Hallasgo na iniwan ang pamilya sa Mindanao para lumaban sa SEA Games. Ilang buwan din siya rito sa Manila para mag-training. Sa Dec. 19 ay uuwi na siya sa Mindanao para naman makasama ang kanyang asawa at anak na ilang buwan na hindi niya nakita.
Samantala, kahapon ay pinatawag ng PSC at POC ang lahat ng medalists sa SEAG para ibigay ang incentives na ipinangako sa mga atleta. Inunahan nila si Pres. Duterte na magbibigay rin ng incentives sa mga atleta ngayon. Congrats po.
Nakabawi ang Barangay Ginebra sa NorthPort noong Lunes, 113-88. Mukhang gising na ang mga player ni coach Tim Cone, sa pangunguna nina L.A Tenorio, Stanley Pringle, Scottie Thompson, import Justine Brownlee at Arthur dela Cruz. Sabi tuloy ng mga basher, palibhasa ay sister teams kaya nagbibigayan.
Nalungkot naman si Tenorio dahil nadale ng injury ang dating teammate na si Sol Mercado pero sabi naman ni coach Pido Jarencio, sprain lang naman ang nangyari kay Mercado at posibleng makapaglaro ito ngayon.
Anong team kaya ito na nagkakaroon ng dalawang grupo. Grupo ng pawang mga Pinoy at Fil-Am players. No doubt kung bakit ‘di nagka-kasundo ang mga ito dahil group by group sila. Buti na lang pagdating sa actual na laro ay nagkakasundo sila at nagkakaintindihan
Comments are closed.