GINANG NA KAWATAN KALABOSO

kawatan

PANGASINAN – KALABOSO ang isang ginang na isa umanong magnanakaw sa iba’t ibang bayan sa lalawigang ito.

Nakilala ang suspek na si Marlyn Valdez, 42-anyos, at residente mula sa bayan ng Bayambang.

Si Valdez ay naaktuhan mismo sa pamilihang bayan sa Basista kung saan dalawang sling bag na naglalaman ng libo-libong pera ang tinangkang tangayin nito.

Nakita umano ng isang negosyante ang ginawa ng suspek kaya agad na ini-report ito sa pulisya.

Nang kapkapan, nakuha pa sa kanya ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Lumalabas naman sa imbestigasyon ng awtoridad na isang talamak na ang pagiging kawatan ng ginang.

Dumarayo pa umano ito sa iba’t ibang bayan upang makapagnakaw at karamihan sa kanyang mga nabibiktima ay mga negosyante.

Kasalukuyan nang nakakulong ang ginang at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM