GINEBRA NAKAUNA

Mga laro bukas:
(Ynares Center-Antipolo)
4:30 p.m. – TNT vs Meralco
6:45 p.m. – San Miguel vs Ginebra

HUMUGOT ang Barangay Ginebra ng inspirasyon mula kay sidelined captain LA Tenorio upang pataubin ang San Miguel, 121-112, sa Game 1 ng kanilang PBA Governors’ Cup best-of-five semifinals series kahapon sa Ynares Center sa Antipolo.

Sinamahan ni Tenorio ang coaching staff sa unang laro magmula nang ianunsiyo niya ang pakikipaglaban niya sa stage 3 colon cancer.

“It is a great honor that he is here with us,” sabi ni Ginebra head coach Tim Cone patungkol kay Tenorio.

Nagbuhos si Christian Standhardinger ng season-high 33 points na may 10 rebounds at 5 assists, habang kumubra si Jamie Malonzo ng 27 points, 6 rebounds, at 3 steals.

Umabante ang Ginebra ng hanggang 21 points, 90-69, at tinapos ang third quarter na may 95-80 bentahe bago sinimulan ng Beermen ang fourth period sa 15-0 blast, sa pangunguna ni Vic Manuel upang itabla ang talaan sa 95-95.

Subalit kumana sina Standhardinger at Malonzo ng pinagsamang 10 points sa 22-11 run na naging tuntungan ng Gin Kings para makalayo at hindi na lumingon pa.

CLYDE MARIANO

Iskor:
Barangay Ginebra (121) – Standhardinger 33, Malonzo 27, Brownlee 24, Thompson 15, Gray 12, Pringle 7, Pinto 3, Pessumal 0.
San Miguel (112) – Clark 26, Perez 23, Lassiter 20, Cruz 13, Tautuaa 11, Manuel 10, Bulanadi 3, Enciso 3, Herndon 3, Brondial 0, Ross 0.
QS: 25-22, 62-47, 95-80, 121-112.