GINEBRA TUMABLA

Laro sa Linggo:

(Araneta Coliseum)

6:30 p.m. -Ginebra vs Meralco

(Game 3, best-of-7 finals)

MATAGUMPAY na napigilan ng defending champion Barangay Ginebra ang fourth quarter rally ng Meralco upang maitakas ang 99-93 panalo sa Game 2 ng best-of-seven PBA Governors’ Cup finals kagabi sa Mall of Asia Arena.

Naibalik ni Ginebra import Justin Brownlee ang kanyang galing sa court nang umiskor ng mga krusyal na puntos sa last quarter upang maitabla ang serye sa 1-1.

Nagbuhos si Brownlee ng 36 points, 13 rebounds at 9’ assists para tulungan ang Gin Kings na makabalik sa trangko.

Na-outscore ni Brownlee si Tony Bishop sa kanilang personal duel at muling niyang pinatunayan na siya ang susi sa tagumpay ng Barangay Ginebra sa Governors’ Cup.

Binigyan ni Brownlee ng kasiyahan ang mga supporter ng Barangay Ginebra nang maagawan ng bola si Chris Banchero at isinalpak ang two-handed dunk shot.

Ang slam dunk ay nagbigay sa Kings ng 96-91 kalamangan.

“It’s a hard win for us. Meralco pushed us to the limit and threatened to snatch the win. They refused to go down in the face of Meralco’s torrid rally in the fourth period. It’s pretty good we made it and even the series,” sabi ni coach Tim Cone.

Kinontrol ng defending champion ang laro kung saan dalawang beses itong lumamang ng 18 points, 58-40,at 60-42, at na-outshoot ng Kings ang Bolts, 40-19, sa second quarter, sa pangunguna ni Brownlee.

Nag-relax at lumuwag ang depensa ng Barangay Ginebra at nakalapit ang Meralco sa 84-86.

Subalit muling nakuha Kings ang kanilang rhythm at bumanat ng 6-2 run para sa 94-86 bentahe at hindi na lumi­ngon pa. CLYDE MARIANO

Iskor:

Barangay Ginebra (99) – Brownlee 36, Thompson 16, Tenorio 13, Standhardinger 12, Pinto 10, Chan 7, Mariano 5, Salado 0, Onwubere 0, Devance 0, Ayaay 0.

Meralco (93) -Bishop 31, Black 24, Banchero 14, Newsome 7, Almazan 6, Quinto 5, Hodge 4, Baclao 0, Maliksi 0, Belo 0, Hugnatan 0.

QS: 20-23, 60-42, 82-71, 99-93.