GIRIAN NG 2 HARI: WARRIORS VS SUNS

MAGSASALPUKAN ang dalawang koponan na may pinakamagandang rekord sa NBA — bibisita ang Golden State Warriors sa Phoenix Suns bilang bahagi ng Christmas showcase ng liga, Sabado ng hapon.

Ang Warriors (26-6), hindi nakapasok sa playoffs noong nakaraang season, ay maglalaro sa holiday sa ika-9 na sunod na buwan. Ang  Suns (26-5), nakausad sa 2021 Finals, ay hindi bahagi ng tampok na lineup noong nakaraang season.

Nabigo ang Golden State, 138-99, sa Milwaukee noong nakaraang Pasko, at hindi nasasabik si head coach Steve Kerr na muling nasa road ngayong taon.

“Generally, I like playing on Christmas. It’s exciting,” sabi niyw bago ang  113-104 home win kontra Memphis Grizzlies noong Huwebes.

“I love playing at home on Christmas. That way you can still have a good family day Christmas morning with the kids and then go to the arena later. It’s tough being on the road for Christmas, but it’s part of being in the NBA.

“It is an honor to play on Christmas — it’s a showcase and everybody’s watching — but I do think there should be a rule in the NBA that you can’t be on the road two years in a row.”

Ang dalawang koponan ay sasalang sa showdown na kapwa galing sa panalo kung saan ang Suns ay nagwagi ng 15 sunod sa home at limang sunod overall, habang ang Warriors ay nanalo ng lima sa huling anim.

Dalawang beses silang nagharap ngayong season. Namayani ang Phoenix, 104-96, sa home noong Nov. 30 sa likod ng double-doubles nina Deandre Ayton (24 points, 11 rebounds) at Chris Paul (15 points, 11 assists).

Pagkalipas ng tatlong araw ay gumanti ang Golden State sa pamamagitan ng 118-96 home win. Nanguna si Stephen Curry, nalimitahan sa 12 points sa 4-of-21 shooting sa nauna nilang pagtatagpo, na may 23.