MULING nagsagawa ng surprise inspection ang awtoridad sa iba’t ibang palengke sa Maynila kung saan umaabot sa 300 kilos ng botcha o double dead na karne ang kanilang nasabat.
Ayon kay Manila Veterinary Inspection OIC Alberto Burdeos, kabilang sa kanilang nakumpiska ay ilang kilo ng lechon na mula rin sa double dead na karne.
Muli nagbabala ang MVI na mula P100,000 hanggang P1,000,000 ang multa para sa mga mapapatunayang nasa likod ng pagbebenta ng kontaminadong meat products.
Mahaharap rin sila sa parusang pagkakakulong ng hindi hihigit sa anim na taon kapag napatunayang sangkot sila sa pagbebenta ng nasabing mga uri ng karne.
Kaugnay nito ay hinikaya’t ni Burdeos ang publiko na kaagad na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sakaling may makuha silang mga impormasyon sa mga nagbebenta ng botcha.
Ipinaalala rin ng opisyal na sa mga tindahan lamang na accredited ng National Meat Inspection Commission bumili ng meat products para na rin sa kanilang kaligtasan. PMRT
Comments are closed.