GIYERA KONTRA CPP-NPA TULOY

Arnulfo Marcelo Burgos

IDINEKLARA ngayon ni Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander  Lt. Gen Arnulfo Marcelo Burgos Jr. sa lahat ng military forces na nakatalaga sa mga area sakop ng north of   Metro Manila na tuloy ang giyera laban communist New Peoples Army (NPA) gayundin sa  lahat ng tropa na nagsasagawa ng mas maigting na military and intelligence operation .

“No let up operations this holiday season” ani Burgos kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “Ceasefire Is Dead” sa hanay ng CPP-NPA.

Ayon kay Burgos, tatalima ang lahat ng sundalo sa desisyon ni PRRD na huwag nang magdeklara ng tigil putukan ngayong yuletide season dahil lagi naman itong nilalabag ng CPP-NPA .

Hindi umano nakikitaan ng sinseridad ang mga makakaliwang hanay at sa halip ay ginagamit pa ang Christmas truce para magpalakas ng puwersa mangalap ng mga bagong recruit, magsagawa ng pagsasanay at paigtingin ang kanilang pangingikil, ayon pa sa opisyal.

Sinasabing nasa NOLCOM ngayon ang momentum sa sinusulong kampanya laban sa komunistang grupo kasunod ng pagkaneyutralisa sa isang npa regional white area secretary at dalawang NPA  finance officers na bahagi ng sunod sunod ma  intelligence-driven encounters sa northern at central luzon.

“We can, and we will, crush insurgency in this part of the country within the given timeline which will allow us to completely refocus our efforts in preserving and upholding our sovereignty over every inch of Philippine territory,” ani Burgos.

Inihayag pa ng heneral na ang NOLCOM o ang AFP sa kabuuan ay nagsusulong para sa localised peace engagements sa halip na  traditional top-level peace talks na lantad na umano na wala ng kontrol ang mga CPP-NDF negotiators na nasa The Netherland  sa kanilang mga armadong NPA rebels na siyang lumalabag sa ceasefire declarations.

“Your soldiers will always be willing to sacrifice our time with our families this yuletide season in the name of our most solemn mandate as defenders of the north, guardians of our sovereignty and protectors of the Filipino people”, giit ni Burgos. VERLIN RUIZ

Comments are closed.