INILUNSAD ang isang bagong fishery enforcement tool sa pagsasanib-puwersa ng Department of Agriculture (DA)-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ng United States Agency for International Development (USAID)-SIBOL upang mas mapatatag at maging epektibo ang paglaban at paghabol sa mga nagsasagawa ng mga illegal, unreported, and unregulated (IUU) fishing sa bansa.
Sa isang seremonya noong Miyerkoles sa Novo Manila Araneta City, inilunsad ng BFAR at USAID ang Fisheries Sharing Hub on Investigation, Enforcement, Litigation, and Detection System (FishSHIELDS), na tutulong upang magbigay ng mga kinakailangang impormasyon hinggil sa suliranin sa national IUU fishing assessment report.
Bibigyan din nito ang fishery law enforcers ng digital tools upang tugunan ang illegal activities sa mga katubigan sa bansa.
“BFAR supports the livelihood of millions of Filipinos who depend on fishing for their sustenance and income. Fighting IOUF is at the heart of this mission. As it poses a significant threats to the sustainability of our marine resources, the economic well-being of our fisherfolks and the over all health of our marine ecosystem,” sabi ni BFAR Officer-in-Charge (OIC) Director Isidro Velayo, Jr.
Sinabi ni Velayo na katuwang na rin ng ahensiya ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang local government units (LGUs) upang maging matagumpay ang pagsisikap nilang masugpo ang suliraning ito.
“Working with Department of the Interior and Local Government and Local Government Units is eseential to our success. The DILG plays a vital role in ensuring that local governments have the support and resources to combat IUUF,” sabi pa ni Velayo.
Aniya, dahil sa partnership na ito ay nagkaroon sila ng pagkakataon na sanayin ang local enforcers, at magpatupad ng mas istriktong monitoring at enforcement measures.
Sinabi ni Velayo na nangunguna ang mga lokal na pamahalaan sa laban na ito. ”Their commitment and action are crucial in creating a sustainable and resilient fishery sector,” aniya.
Binigyang-diin din ni Velayo ang tulong ng pribadong sektor at non- government organizations sa pagsugpo sa IUU fishing, tulad ng kolaborasyon na ito sa USAID.
Paliwanag ni Cathy J. Watchala, Chief of Party ng USAID-SIBOL, ang FishSHIELDS ay isang system ng offline mobile at web application na nagbibigay ng platform para sa operationalization ng nasa oras na pagtugon o enforcement response sa mga ulat at insidente ng IUU fishing.
Ito, aniya, ay na-develop batay sa BFAR Fisheries Office Order No. 096,series of 2021, na nagbibigay awtorisasyon na gamitin ang nasabing sistema.
“In using FishSHIELDS multifunctional platform, BFAR can mobilize its human, financial, and logistical resources quickly,” dagdag pa ni Wachala.
MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA