Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
11 a.m. – NU vs FEU (Women Finals)
3:30 p.m. – Ateneo vs UP (Men Finals)
SASALANG sa kanilang unang UAAP men’s basketball Finals game magmula nang makopo ang unang post-war championship noong Okt. 25, 1986, ang University of the Philippines ay umaasang hindi mauuwi sa wala ang lahat ng kanilang pinaghirapan.
Para sa back-to-back title-seeking Ateneo, isa itong malaking oportunidad para patunayan sa kanilang Katipunan rivals kung sino ang hari.
Ang Fighting Maroons ay nahaharap sa mabigat na hamon upang ipagpatuloy ang kanilang Cinderella playoff run sa Blue Eagles sa pagsisimula ng best-of-three championship ngayong alas-3:30 ng hapon sa harap ng inaasahang jampacked crowd sa Mall of Asia Arena.
Sa women’s Finals ay itataya ng defending champion National University ang kanilang remarkable 78-game winning streak kontra Far Eastern University sa kanilang series opener sa alas-11 ng umaga.
Papasok ang UP, tinalo ang Adamson ng dalawang beses sa Final Four showdown upang kunin ang kanilang unang Finals appearance sa loob ng 32 taon, sa serye laban sa Ateneo bilang underdogs.
Bitbit ng Eagles, nadominahan ang Maroons sa kanilang dalawang elimination round meetings ngayong season, ang eight-game winning run sa Finals.
Makaraang malusutan ang Falcons, naniniwala si Bo Perasol na muli nila itong magagawa at gawing posible ang imposible.
“But there is something that we do that will keep us going. We will look forward in the championship game against Ateneo and we knew that we will take something from that, the courage, the resilience that our feeling that we need to keep moving to, keep fighting, no matter what the odds are,” wika ni Perasol.
Mapapalaban sa determinadong katunggali na nagtatangkang gumuhit ng kasaysayan, gagawin ng Eagles ang lahat para madagit ang kanilang ika-10 korona.
Ipinagbawal ng Ateneo team management ang paggamit ng social media matapos ang kanilang 80-61 Final Four win kontra FEU upang hindi magambala ang mga player sa kanilang paghahanda para sa Finals.
Ito ang unang pagkakataon na maghaharap ang Eagles at Maroons sa Finals.
Inaabangan sa serye na ito ang showdown ng pinakamahuhusay na international players sa liga, sa katauhan nina Bright Akhuetie ng UP – ang soon-to-be-crowned MVP mula sa Nigeria – at Ange Kouame ng Ateneo – ang Ivorian rookie na gumawa ng malaking impact ngayong season.
Comments are closed.