NAGDEKLARA si Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ng giyera laban sa mga negosyante, accountant at printer na gumagamit ng mga pekeng sales invoice at receipt.
Isang ‘special task force’ ang binuo ni Commissioner Lumagui laban sa mga gumagamit ng fake receipts at sales invoices para habulin ang mga taong nasa likod nito.
Tinatayang nasa P70 bilyon hanggang P90 bilyon ang nawawala sa kaban ng gobyerno sa ganitong ‘raket’ ng mga mangangalakal para makaiwas sa buwis na dapat nilang bayaran.
Ang Large Taxpayers Service (LTS) ang may pinakamalaking buwis na nawawala sa ganitong sistema ng paggamit ng mga pekeng resibo, kasunod ang mga regional at revenue district office sa buong kapuluan.
Ang paggamit ng mga huwad na resibo para makapandaya sa buwis na dapat bayaran ay matagal na panahon na ring namamayari partikular sa mga business area sa Manila, Quezon City, Caloocan, iba pang lugar sa Metro Manila at
karatig-probinsya.
Kasapakat umano ng mga negosyante sa anomalyang ito na isang uri ng pagsasabotahe sa ekonomya ng ban- sa ang ilang accountants at printer owners.
Nakipag-ugnayan na ang BIR sa National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at iba pang intelligence authority para mabuwag ang sindikatong nasa likod ng ganitong ilegal na gawain.
Nadiskubre ng BIR ang ganitong uri ng modus ng mga mangangal- akal bunsod na rin ng mga impormasyong nakalap ukol sa ganitong operasyon nina LTS Assistant Commissioner Jethro Sabariaga at Metro Manila BIR Regional Directors Renato Molina (Manila), Gerry Dumayas (Caloocan), Bobby Mailjg (Quezon City), Edgar Tolentino (South NCR) at Albin Galanza (East NCR).
Kung mabubuwag ang ganitong raket sa paggamit ng mga huwad na resibo, ayon sa BIR chief, ay mas lolobo o tataas ang koleksiyon sa buwis at malalagpasan pa nila ang target tax collection ng Kawanihan ngayong fiscal year.
Nagbabala ang BIR na kakasuhan nila sa korte ang sinumang mahuhuli nila na nag-iisyu ng fake receipts at sales invoices.