NILAGDAAN ni Isabela Governor Rodito Albano ang Executive Order Number 13 na layuning mas paigtingin pa ang paglalatag ng mga hakbang kontra coronavirus disease (COVID-19).
Makaraang itaas ng Department of Health (DOH) sa code red Status Level 1 ang COVID-19 sa bansa nang maitala ang kauna-unahang local transmission ng nasabing virus.
Ang nasabing EO ay nakasaad ang kautusan sa mga government at private hospital sa lalawigan na magtaas ng kanilang alert status.
Magin g ang mga kawani ng pamahalaan ay inaatasan ng mga kasapi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na tumulong sa pagpapalaganap ng mga ulat at advisory na ibababa ng WHO, DOH at mga katuwang na ahensiya.
Inataasan din ni Albano na bumuo ng kani-kanilang task force ang municipal at city mayor, provincial heath board, city health office at municipal health office sa bawat munisipalidad at lungsod sa buong lalawigan na siyang mangunguna sa pagtugon sa mga posibleng persons under investigation o mga maaaring tamaan ng nasabing virus.
Mahigpit na ring imomonitor ng Departmant of Trade and Industry (DTI) Isabela ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga establisimiyento at pamilihan sa lalawigan upang matiyak na walang negosyanteng mananamantala sa presyo ng bilihin habang nakataas ng red alert status level one ang COVID-19 sa bansa.
Ipinag-utos na rin ng gobernador sa bawat himpilan ng pulisya na makipag-ugnayan sa mga municipal health units sa kanilang nasasakupan para sa maayos na pagtugon sa anumang maitatalang kaso ng COVID-19 sa lalawigan. IRENE GONZALES
Comments are closed.