KAMBAL ang gustong maging anak ni Glaiza de Castro sa asawang si David Rainey, kung pwede lang sana.
Wala pa umano silang balak magkaanak sa ngayon, pero kung papalarin, kambal sana para isang hirap na lang. Marami pa raw silang gustong gawin na hindi nila magagawa kung may baby na sila.
“Gusto ko pang mag-travel. Gusto kong ma-enjoy ’yong time namin together. Kasi nakita ko ’yan sa mga sister ko, nakita ko sa sister ni David na once you have a baby or babies, 100 percent ibibigay mo ’yong time mo for them. And they will be your priority,” ang say ni Glaiza.
Kung magkakaanak umano sila ng kambal, sana raw, boy at girl, dahil dalawa lang ang gusto niyang anak. Isang hirap na lang. Sa ngayon, ini-enjoy muna ni Glaiza ang kanyang showbiz career, na all out support naman si David.
BEA ALONZO, NAG-ALA HEART EVANGELISTA SA IBANG BANSA
Ano kaya ang ginawa ni Bea Alonzo sa Madrid? Umalis kasi si Bea na walang paalam at mga larawan lamang sa departure area at eroplano nakita sa kanyang post.
Sa ilang post niya ng pictures sa Madrid, ala-Heart Evangelista raw ang peg ni Bea dahil tila rumarampa sa runway sa Madrid.
“Here I am feeling every inch like a fashionista. Minsan lang po makalabas ng bansa, pagbigyan na,” ang pabirong sabi ni Bea.
JILLIAN WARD HINUHUBOG SA MAPANGHAMONG KARAKTER
ISANG taon, dalaga na ang dating ‘Trudis Liit’ noon na si Jillian Ward. Nitong Pebrero 23 ay nag-celebrate siya nga kanyang 17th birthday. Kasabay nito, nagle-level up din ang kanyang role sa “Prima Donnas,” hudyat na sasabak si Jillian sa mas malalim karakter.
Bago pumalaot si Jillian sa mga matured role ay nais sana niyang makagawa ng isang fantasy project na kung saan ay isang sirena ang kanyang gagampanan. “Gusto ko po talaga i-try na mag-mermaid, ‘yung mga fantasy shows, movies,” dagdag na say pa ni Jillian.
NADINE LUSTRE, MAY GUSTONG PATUNAYAN
Desidido si Nadine Lustre na baguhin ang kanyang image matapos gawin ang pelikulang “Greed” kung saan na-deglamorized ang kanyang byuti.
Challenge kay Nadine ang bagong role niya sa drama/thriller na ito dahil hindi na ito ‘pabebe’ role.
“This is something I’ve never done before,” aniya. “It’s something gruesome na hindi ko pa nagawa before. The viewers will be shocked, what the hell happened? Mapapaisip ka talaga.”
Kasama rin kaya sa pagbabagong image ni Nadine ang pagkalas sa image ng dating reel and real life partner na si James Reid, na ngayon ay tila ‘nagpapapansin’ sa Hollywood?
“I want to try something, explore out of the box. I don’t want to be stuck in the kilig or pa cute films I used to do,” dagdag pa niya. “Definitely, I want to do films na malayo sa pa-cute kind of branding I did before. Kasi I know there’s so much else I can offer, that I can do.
AJ RAVAL NO COMMENT SA SEX VIDEO SA INTERNET
MAY bagong seryeng ginagawa ngayon si AJ Raval, under Vivamax na magsisimulang ipalabas sa April 10 sa Vivamax App. Isang sexy/suspense/drama serye ang “Iskandalo” kung saan ay tatakbo ang istorya sa isang detective na gagampanan ni Cindy Miranda na lutasin ang cybercrime na sex scandal ng sikat na artista.
Nakaka-relate dito si AJ dahil kamakailan lang ay kumalat ang mga sexy scenes sa internet at videos sa porn site na kuha sa isang pelikula niya, pero pinapapamukhang sex video ni AJ.
“Nakakalungkot po dahil pinagpapaguran namin ang movies namin, tapos nananakawin lang nila yung mga seksing eksena at ipapalabas as scandals para pagkakitaan,” say ni AJ.
Pero wala raw siyang planong maghain ng reklamo dahil hindi niya kontrolado ang social media.