MABILIS nang makuha ang balita sa pamamagitan ng internet. Pero kasabay rin nito ang panganib ng fake news — isang isyu na ilang taon nang suliranin sa bansa maging sa mundo.
Kabilang sa mga naging biktima ng pekeng impormasyon ay ang pagsisikap ng pamahalaan na mabakunahan ang populasyon laban sa COVID-19. Dahil sa gawa-gawang mga balita, maraming mga Pilipino ang nalito at nag-alinlangan tungkol sa halaga ng pagpapabakuna.
Ilan sa mga pinaka-nakaaalarmang fake news tungkol sa COVID-19 vaccine ay:
– Mayroong microchip na ipinapasok sa mga binabakunahan para masubaybayan ng gobyerno ang kanilang galaw 24/7
– Ang mga bakuna ay naglalaman ng COVID-19 virus
– Ang mga bakuna ay magdudulot ng mga panganib sa kalusugan
Ang mga maling pahayag na ito ay mabilis na kumakalat sa social media at iba pang mga digital channel. Kung walang tamang pag-unawa, ang publiko ay madaling matakot na magpabakuna dahil sa umano’y mga masamang epekto nito.
Sa tulong ng kampanyang Truth In Action, sinusuportahan ng Globe ang programang INGAT ANGAT Bakuna Lahat ng pribadong sektor. Ito ay isang pagsisikap na turuan ang publiko tungkol sa kaligtasan ng mga bakuna at hikayatin ang lahat na gawin ang kanilang bahagi para matapos ang pandemya.
Bahagi ng Truth In Action ang isang serye ng mga video na naglalarawan ng mga maling pahayag na ibinahagi ng ilan tungkol sa bakuna. Kasama rin dito ang isang panata na naghihikayat sa publiko na maging responsableng mamamayan para maiwasan ang pagkalat ng pekeng impormasyon online.
“Bilang isang digital solutions provider, nais naming mabigyan ng sapat na impormasyon ang publiko sa mga panganib ng fake news lalo na sa panahon ng pandemya. Nananawagan kami para sa responsableng digital citizenship. Napakahalaga nito sa panahong ito kung saan ang wastong pagpapakalat ng impormasyon ay kinakailangan para makamit ang pambansang pagbangon,” sabi ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer at SVP for Corporate Communications.
Muling binigyang-diin ng Globe ang kahalagahan ng pagkuha ng kritikal na impormasyon mula lamang sa mga mapagkakatiwalaang sources ng balita. Ang mga mamamayan ay dapat mag-isip at magsaliksik bago mag-click at maniwala sa mga nababasa o napapanood online.
Ang kampanyang Truth In Action ay bahagi ng pangako ng Globe sa dalawang United Nations Sustainable Development Goals. Itinatampok ng UN SDG No. 9 ang mga tungkulin ng imprastraktura at innovation bilang mga mahahalagang driver ng paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Ang UN SDG No. 17 ay naglalayon na pasiglahin ang pandaigdigang pagkakaisa para sa pag-unlad.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/about-us/sustainability.ht