NATUTUWA si Dennis Trillo na nabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho opposite ABS-CBN actress Beauty Gonzalez sa Star Cinema movie Hellcome Home.
“Nalaman ko itong project two months ago. Then mabilis lang namin shinoot. May ilang days lang na tuloy-tuloy.
“Sobrang happy ako kasi makagagawa ako ng movie sa Star Cinema na hindi co-prod[production]. Sobrang na-excite ako kasi alam ko na magkakaroon ako ulit ng isang quality na proyekto,” Dennis said.
Anyway, sobrang swerte lang daw na maka-experience siya na makatrabaho sila Beauty and company.
“Pati yung pag-promo nila at yung pag-promote nila sa bawat artista at teaser. Talagang sobrang organized at well-thought of. Alam mong naka-strategize talaga.
“Naging masaya ang experience ko na makatrabaho ang ganung mga tao na may ganung klaseng work ethics.”
Pumayag siyang gawin ang horror movie na ‘to na directed by Bobby Bonifacio dahil, “Nung nabasa ko ‘yung script, sinabi ko, gagawin ko ito kasi ito yung tipo ng horror movie na gusto ko.”
He was able to get permission from his GMA Network to do this project because Dennis explained that his contract with his mother studio is exclusive for TV alone.
Will he be given the chance to promote Hellcome Home in ABS-CBN shows?
“Parang sa Magandang Buhay lang ako,” he said laughing. “Sa lahat nu’ng pinagpaalam, dun lang sa isang show na iyon sila pumayag. At least napayagan ako na makapag-promote ako kahit sa isang show man lang ng ABS-CBN.”
Sa Hellcome Home, “Marami akong ginawa na intense na eksena dito na almost possessed at demonic type. ‘Yun lang ang masasabi ko sa ngayon. Maraming intense na eksena. Roon ako nahirapan.
“Very exhausting para sa akin. Physically draining, mentally, emotionally.”
TAGAHANGA RAW NI NORA PERO INILAGLAG ITO IN FAVOR OF MGA BASURANG PELIKULA
IN THE past, very vocal ang gurang at panget na entertainment writer na ‘to sa paghanga raw niya sa nag-iisang superstar na si Ms. Nora Aunor.
Kiyemeng dyed in the wool Noranian daw ang boses multong matandang bakla kaya walang nakikinig sa kanilang radio show sa isang network.
Yuck! Yosi-kadiri! Trying very hard, K-less naman!
Anyway, ang latest, inilaglag naman ang pelikula ng aktres in favor of some trashy movies because of what? If I know, it has got to do with money. Yuck!
Anyway, Nora should not feel bad that her movie with Philip Salvador was not chosen because some veritably wonderful things are in store for it. I’m pretty sure and positive about it.
‘Yun na lang isang entry ay basurang talaga pero nakapasok. Nakapasok raw talaga, o! Hahahaha!
Sa totoo, walang respeto ang mga taong ito sa narating ng isang superstar.
Ano naman kaya ang barometer nila sa pagpili ng entries?
Well, the mere fact that the entry of this Kabayo clone has been chosen, alam na natin kung ano ito. Yuck!Yuck!Yuck! Nakasusukaaahhh!
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr. And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.