GMRC SA LAHAT NG SCHOOLS RATIFIED NA SA KAMARA

NIRATIPIKAHAN na ng Kamara ang panukala na layong ibalik at isama sa aralin ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa lahat ng mga paaralan sa bansa.

Sa ilalim ng House Bill 5829 at Senate Bill 1224 layunin nitong ibalik ang GMRC at isama sa K-12 curriculum.

Ang GMRC ay i-introduce sa Kindergarten at ituturing na hiwalay na asignatura na ituturo mula Grade 1 hanggang 6.

Ituturo naman itong regular subject mula Grade 7 to 10.

Layunin ng panukala na manatili sa mga kabataang Filipino ang etiquette at moral uprightness sa kabila ng pagiging moderno ng panahon.

Si House Speaker Alan Peter Cayetano na pangunahing may-akda ng GMRC Act of 2019 sa Kamara ay iginigiit ang pagbabalik ng core values at moral standards sa mga kabataan lalo’t lantad ang mga ito sa paggamit ng internet na nagiging source nila ng disinformation. CONDE BATAC

Comments are closed.