GO INVESTMENT ADVISER NI PBBM

Erick Balane Finance Insider

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bilang Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs si businessman Frederick Go, ang Presidente at Chief Executive Officer ng Robinson’s Land Corporation.

Si Go ay may Bachelor of Science in Management Engineering degree mula sa Ateneo de Manila University. May mayaman siyang karanasan sa iba’t ibang posisyon sa industriya ng real estate, banking aviation, petrochemicals at industrial parks. Siya ay isang kilalang lider ng Robinson’s Land Corporation na isa rin sa pinakamalaking real estate developers sa Pilipinas.

Si Go ay kilala ring tagapagtanggol ng mga inobasyon sa ekonomiya na may kinalaman sa pagpapaunlad ng sektor ng enerhiya at imprastraktura.

Ilan sa mga dahilan kung kaya itinalaga ni Pangulong Marcos si Go sa gobyerno ay ang kakayahan nitong makipag-ugnayan at makipagtulungan sa iba’t ibang sektor at negosyo, ang malawak na karanasan nito sa industriya ng real estate, banking aviation,  petrochemicals at industrial parks at ang kakayahan nitong makabuo at magbigay ng solusyon at inobasyon para sa hamon at oportunidad.

Sa bisa ng Executive Order No. 49, na lumilikha sa Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs, si Go ay itinalaga bilang inaugural secretary.

Si Go ay nephew ni late Taipan John Gokongwei. Siya rin ang current President-CEO ng Robinsons Land Corporation. Bilang chairman ng Economic Development Group, sasailalim sa kanyang tanggapan ang Department of Finance, National Economic and Development Authority, Department of Budget and Management, Department of Trade and Industry at ang attached agencies nito tulad ng Board of Investments, Philippine Economic Zone Authority at Securities and Exchange Commission.

Uupo rin siya sa NEDA bilang board member ng bawat komite at magsisilbing  permanent representative ng Executive Secretary sa Fiscal Incentive Board.

Si Go ay top economic adviser ng Chief Executive at siyang pinagkakatiwalaan sa lahat ng economic programs at paghawak ng mga priority project, lalo na sa tinatawag na crucial projects ng Presidente.