GO LOKAL! SA SEIBU SHINKIN BANK ANNUAL BUSINESS FAIR 2018

go lokal

NAKATAGPO ang DTI Philippine Trade and Investment Center sa Tokyo (PTIC-Tokyo) ng partner sa Japan Seibu Shinkin Bank. Magka-ugnay sa parehong layunin na sumuporta sa SMEs, matagal nang ini-engganyo ng gobyerno ng Japan ang kanilang small and medium enterprises (SME) na magpalawak sa ibang bansa lalo na sa merkado ng ASEAN. Ang regional bank ay tumutulong sa SME sa pamamagitan ng iba’t ibang financial services ang programa.

Kasunod ng pagpirma ng memorandum of understanding (MOU) sa Philippine – Japan Trade and Investment Promotion and Cooperation, ang DTI at Japan at Seibu Shinkin Bank ay nakapagkita na ng ilang beses para gawin ang mga bagay na makatutulong para magkaroon ng katuparan ang layuning ito ng kooperasyon.

Kamakailan lamang ginanap ng Seibu Shinkin Bank ang kanilang taunang Business Fair na nagpapakita ng 241 Japanese at ilang overseas SMEs na nasa manufacturing, electronics, healthcare, food, security, IT at environment protection sectors. Limang (5) kompanya  ang ilan sa mga kasali mula sa Filipinas. Ito ay ang  Integrated Micro-Electronics Inc., Ionics EMS Inc., Almazora Motors, Essence at Orich International Traders, Inc.

Binigyan ang Go Lokal! Philippines ng pribilehiyo na makapag-promote ang Filipino MSME producers at ang kanilang kakaibang produkto. Pumatok ang Go Lokal! Philippines booth at mainit na tinanggap. Sa exposure sa halos 6,000 bisita, ang Go Lokal! handmade at eco-friendly items’ colors, design and texture, at natural charm ay madaling nakakuha ng paghanga sa panlasa ng mga hapon lalo na magandan ito at meda­ling gamitin.

Sa loob ng isang araw na okasyon, sumali ang ating Filipino fair participants sa 45 pre-arranged meetings sa  prospective i-vestment at trade partners. Nagbigay ng paunang pananalita si PTIC-Tokyo’s chief, Commercial Counsellor Ma. Bernardita A. Mathay, gayundin ang mga opisyal na galing sa Vietnam, Thailand, Malaysia, Italy at  Netherlands.

Dahil dito at sa mga maraming pang darating na inisyatibo na gagawin sa Japan, hindi maikakaila na ang mga Filipino ay patuloy na gagawa ng pangalan kahit saang bahagi ng mundo. Sa talent at pagka-malikhain at paggamit ng natural na biyaya ng Diyos, patutunayan ng ating MSMEs na sila ay isang puwersa para sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa at magiging daan para maiangat ang pangdaigdi-gang relasyon.

Comments are closed.