(Go-signal na lang ni PBBM ang hinihintay)PAG-ANGKAT NG 440K MT NG ASUKAL

HINIHINTAY na lamang ng Sugar Regulatory Administration’s (SRA) ang go-signal ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa plano nitong umangkat ng 40,000 metric tons (MT) ng asukal.

Si PBBM din ang chairman ng SRA Board sa kanyang kapasidad bilang Secretary of Agriculture.

“Yesterday, we all signed the sugar order and that will be sent to Malacañang for final approval,” pahayag ni SRA Board member Pablo Azcona.

Ayon kay Azcona, ang import order ay hinati sa tatlong tranches — 100,000 MT, 100,000 MT, at buffer stock na 240,000 MT.

Ang mga miyembro ng SRA Board, ang governing body ng SRA, ay kinabibilangan nina Azcona bilang kinatawan ng sugar planters, Board member Ma. Mitzi Mangwag bilang kinatawan ng sugar millers, at SRA Administrator David John Thaddeus Alba bilang vice-chairperson.

Ang Pangulo, bilang concurrent DA chief, ay kinatawan sa Board ni Senior Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban.

“For upcoming orders, we respectfully send it to the President so that he is very well informed. Before we release it, it is always nice to have his input,” ani Azcona.

Ang unang tranche ng aangkating asukal ay inaasahang darating sa lalong madaling panahon.

Ang pag-angkat ay naglalayong madagdagan ang local supply at mapababa ang presyo ng asukal.