GOBYERNO MALAKI ANG MATITIPID SA P20 COIN

P20 COIN

MALAKI ang matitipid ng pamahalaan sa newly designed P20 coin na ilalabas sa sir-kulasyon sa first quarter ng taon.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, ang P20 coin ay tatagal ng 10 hanggang 15 taon kumpara sa P20 bill na papalitan nito, na tatagal lamang ng 3 hanggang 6 buwan.

Aniya, ang P20 ang pinakagamit na pera sa bansa.

Samantala, ang nine-side design ng P5 coin ay makatutulong para madali itong matukoy ng mga consumer kumpara sa sa iba pang mga barya.

Kasunod na rin ito ng reklamo ng mga consumer na mahirap kilalanin ang P5 na barya mula sa P1 coins at P10 coins na pare-pareho ang kulay, at halos magkakas-inglaki lamang.