TINIYAK ni Senador Christopher Bong Go na sapat ang pondo ng gobyerno para tulungan ang Department of Health (DOH) at iba pang concerned government agencies para tumugon sa pangangailangan ng publiko sa gitna ng sitwasyon ng bansa sa banta ng COVID-19.
Sinabi ni Go na handa ang Philippine Amusement and Gaming Corporation
(Pagcor) na magbigay ng dagdag na P2 billion, habang P420 million mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) base sa proklamasyon na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Siniguro rin ni Go na mayroong P539 million sa savings ng DOH habang mayroon pang P81 million mula sa DOH Quick Response Fund na maaaring magamit.
Bukod dito, mayroon ding Contingency fund ang National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) na naka-standby.
Comments are closed.