(Gobyerno umapela ng pang-unawa) TULONG SA 18-M PAMILYA NAANTALA

Rep-Karlo-Alexei-Nograles

UMAAPELA ng pang-unawa ang gobyerno sa naantalang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa 18 milyong mahihirap na pamilya na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Tiniyak ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, spokesman ng Inter-Agency Task Force on Infectious Diseases ang pagsisikap ng gobyerno para maiabot ang tulong sa mga nangangailangan sa lalong madaling panahon.

Pinamamadali na rin ng IATF ang mga local official sa pagsusumite ng budget proposal sa DSWD para maibigay na rin kaagad sa mga ito ang social amelioration program budget at maipamahagi na rin sa kanilang constituents.

Ipinabatid ni Nograles na nakapagpalabas na ang DSWD ng mahigit P323 milyon para sa mahigit 14,000 beneficiaries  na bahagi ng drivers  at transport groups sa NCR at nakapagpalabas na rin ng gobyerno ng P43 bilyon  sa mga LGU habang sa Bangsamoro region ay P800 milyon na ang naipalabas.

Kung susumahin  ay nasa 50% na ng P100 bilyon na halaga ng social amelioration program ang nailabas na sa buwang ito. DWIZ882

Comments are closed.