GOOD LUCK, KAI!

on the spot- pilipino mirror

BAGO  ang lahat ay nais  nating i-good luck si Kai Sotto na nag-decide nang  tanggapin ang alok ng ibang  bansa para mag-training. Sa Instagram ni Sotto, ito ang kanyang  pahayag:  “Nakapag-decide na po ako at ang pamilya ko. I’ll be leaving soon to start training full time. I want to develop the next two to three years to single – mindedly focus of joining the NBA 2021 or 2022. After a lot of effort by me and my Dad to asses all the opportunities presented to me, I strongly feel (with his advice and the advice of other experienced mentors) that leaving immediate my training and getting the right exposure will go a long way to help me realize my dream.

Pinag-isipan ko po itong mabuti. I will train very hard and sacrifice and focus in the next few years so that one day soon, you will vey proud of me. Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko, with the guidance of my Dad and Mom, to be the very best that I can be. Para po ito sa future ko, ng pamilya ko, at especially po para sa Batang Gilas, Gilas Pilipinas at higit sa lahat, para sa bayan!

Gusto ko pong pasalamatan ang Ateneo, si Tito Arben Santos, at si Boss MVP  para sa lahat ng tulong nila. Sana po all of you will support me and pray for me. I will strive very hard never to let you down.”

Tulad ng sabi ni Kai, isama po natin siya sa ating mga panalangin upang magtagumpay siya. Sa edad niyang 16, napakabata niya para mawalay sa kanyang pamilya. Anyway, good luck, Kai,  para sa iyong tagumpay at para sa bansa.



May bagong lalahok sa Maharlika Pilipinas Basketball League. Ito ay ang Albay mula sa lalawigan ng Bicol. Si coach Monel Kallos ang siyang mangunguna sa team. Abala ngayon ang Albayano sa pagpapa-tryout ng mga player sa kasalukuyan na ginagawa sa  Dumlao gym along Shaw Blvd. tuwing 3 pm. Sana makabuo ng competetive team si coach Kallos. Excited na sila para sa pagsali ng team, on going ang MPBL. Sa kanilang mga playoff, kasama rito ang aming city, ang Caloocan kung saan kapatid ni coach Mo-nel ang head coach ng Caloocan Supremos, si coach John Kallos. Good luck, coach Monel.



Sino kaya itong player sa sikat na team sa PBA na inayawan ng  kanyang nililigawan? Ang siste kasi ay mas­yado raw mabilis ang basketbolista. Gusto umano ng player na makuha niya agad ang dalawang donut ng girl, eh ang babae ay may pagkamahinhin at bata pa. Tsika ko, 10 yrs ang agwat ng edad ni player sa girlas.  Hindi na bago sa babae na ligawan siya ng mga basketball players kasi may isa na ring nanligaw sa kanyang basketbolista. Katuna­yan, napagkumpara niya ang dalawang players na kapwa Fil-Ams.   Si Fil-Am 1  ay ala Pinoy  manligaw habang itong si Fil-Am 2 ay American style.Pero wala siyang naging BF sa dalawa. Basta turn off siya sa huling nanligaw na player sa kanya. Si Fil-Am 2 ay mahilig talaga sa mga mapuputi.



PAHABOL: Hi to Sir Tito Pagaddu ng W. L foods. Ingat ka po riyan sa Davao. See you soon. Happy graduation sa anak ko, Auztin Dwayne Manuel.

Comments are closed.