NAGLAHO na ang pag-asa ng Gilas Pilipinas na makapaglaro sa Tokyo Olympics.
Ito ay makaraang malasap ng mga Pinoy ang 94-67 pagkabigo sa mga kamay ng Dominican Republic sa FIBA Olympic Qualifying Tournament kahapon sa Aleksandar Nikolic Hall sa Belgrade, Serbia.
Naging malaking salik sa pagkatalo ng Gilas ang kawalan ng eksperyensiya kung saan gumawa ang national team ng kabuuang 23 turnovers sa laro.
Nahirapan ang Gilas sa opensa na sinamantala naman ng Dominican Republic. Na-outscore ng Dominican Republic ang mga Pinoy, 26-10, tampok ang 12 unanswered points sa pagtatapos ng third quarter.
Nagpatuloy ang pagdurusa ng Gilas sa final period kung saan wala silang nagawa sa pananalasa ng Dominican Republic, sa pangunguna nina Victor Liz at Gelvis Solano.
Sa pagkatalo ay wala nang pag-asa ang Filipinas na magkuwalipika sa Tokyo makaraang mabigo sa world no. 5 Serbia noong Huwebes.
Ang Gilas ay kulelat sa Group A na may 0-2 win-loss record, habang magpapambuno ang Serbia (2-0) at Dominican Republic (1-1) sa knockout semifinals.
Nanguna para sa Gilas sina Jordan Heading at Angelo Kouame na may 16 points at 10 points, ayon sa pagkakasunod. CLYDE MARIANO
Iskor:
Dominican Republic (94) – Liz 23, Solano 21, Torres Cuevas 20, Nunez Castillo 13, Ramirez 5, Araujo 4, Rojas 4, Mendoza 2, Henriquez 0, Martinez 0, Sarita 0.
Gilas Pilipinas (67) – Heading 16, Kouame 10, Sotto 8, Abarrientos 6, Belangel 6, Navarro 6, Baltazar 5, Tamayo 5, Nieto 4, Go 1, Chiu 0.
QS: 23-22, 39-41, 65-51, 94-67.
185121 636640Hey mate, .This was an superb post for such a hard subject to talk about. I look forward to seeing a lot of much more exceptional posts like this one. Thanks 124427
451948 303400Appreciate it for helping out, superb info. 411384
711896 905463Hi my friend! I want to say that this post is awesome, good written and consist of almost all significant infos. Id like to see more posts like this . 260522
575673 97683Aw, it was an incredibly good post. In thought I would like to set up writing similar to this moreover – taking time and actual effort to create a extremely good article but exactly what do I say I procrastinate alot and also no indicates manage to go done. 765888
535887 435203You should indulge in a contest for one of the greatest blogs over the internet. Ill suggest this web web site! 88713