GOV’T EMPLOYEE TINIRA NG TANDEM

riding in tandem

CALOOCAN CITY – DEAD on the spot ang 57-­anyos na government employee at miyembro rin ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang suspek na sakay ng motorsiklo noong Miyerkoles ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Ismael Villafañe ng Emerald Street, Congressional Model House Subdvision, Camarin.

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Noel Flores, agad namang nagsagawa ng dragnet at follow-up operation ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 5 subalit nabigo ang mga ito na matukoy ang pagkakakilanlan at maaresto ang mga suspek.

Sa impormasyon na nakalap kay P/Lt. Joe Mar Ronquillo, head ng Station Investigation Unit (SIU), ininspeksiyon ng biktima ang kanyang pinapagawang bahay sa naturang lugar nang biglang dumating ang mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril sa katawan si Villafañe na nagresulta ng kanyang kamatayan. EVELYN GARCIA

Comments are closed.