GOV’T SUBSIDY SA GOCCS BUMABA

INIULAT ng national government ang pagbaba ng subsidiya na ipinagkaloob nito para sa January 2019 sa P795 million, mula sa P922 million na isinagawa sa kahalintulad na panahon noong 2018.

Sa datos ng Bureau of the Treasury (BTr), ang subsidiya ng pamahalaan sa

government-owned and -controlled corporations (GOCCs) ay bumaba ng 13.77 percent kumpara sa naitala noong January 2018.

Ang tumanggap ng pinakamalaking subsidiya ay ang National Irrigation Administration (NIA) na may P435 million, mas mataas ng 2.11 percent sa P426 million sa kaparehong buwan noong 2018.

Ang second highest recipient ng subsidies para sa buwan ay ang Philippine Heart Center (PHC) na may P74 million mula sa P72 million noong nakaraang taon, kasunod ang Philippine Children’s Medical Center (PCMC)  na may P67 million, mas mababa sa P78 million noong nakaraang taon.

Ang iba pang GOCCs na tumanggap ng subsidita para sa January 2019 ay ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) na may P50 million, Philippine Rice Research Institute (Philrice) na may P49 million, Cultural Center of the Philippines (CCP) na may P24 million, Lung Center of the Philippines (LCP) na may P17 million, Philippine Coconut Authority (PCA) na may P14 million, at ang  Center for International Trade Expositions and Missions (Citem) at Philippine Institute for Development Studies (Pids) na may tig-P11 million.

Tumanggap naman ang National Dairy Authority (NDA) ng P9 million na halaga ng subsidiya; Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC) at People’s Television Network, Inc. (PTNI), tig-P6 million; Light Rail Transit Authority (LRTA) at Credit Information Corpo-ration (CIC) na may tig-P5 million, at ang Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO), Southern Philippines Development Au-thority (SPDA) at Zamboanga City Special Economic Zone Authority (ZCSEZA) na may tig-P4 million.

Ang subsidiyang ipinagkakaloob ng gobyerno sa GOCCs ay naglalayong matulungan ang mga ahesiya na mabawasan ang kanilang gastos at suportahan ang paglago ng iba’t ibang sektor.   REA CU

Comments are closed.